Seloso

849 42 14
                                    

Gaize😊

"Papasok ka ba ngayon?" Si Naynay habang naghahanda ng breakfast.

"May lakad po kami ni Bob, Nay." Nagdadalawang-isip si Gaize kung sasabihin ang tungkol sa pakikipagkita

niya sa ama. "Ahm... sa kay Tatay..."

Naiwan sa ere ang kamay ni Naynay. Ang hawak nitong pandesal ay nahulog sa sahig. "Ano kamo?"

Itinigil ni Gaize ang pagsasandok ng fried rice sa kawali at hinarap si Naynay. "Nahanap po ni Bob si

Tatay."

Gulat na gulat ang mukha nito at namumutla rin. "Paano mo nalaman kung sino ang iyong ama?"

Huminga ng malalim si Gaize. "Aksidenteng nakita ko po iyong picture nina Nanay at Tatay sa bahay natin.

May pangalan pong nakasulat doon. Nagpatulong ako kay Bob at nahanap niya si Raul Salcedo."

"Ang hayop na iyon! Wala siyang karapatang maging ama mo! Matapos niyang anakan ang kapatid ko bigla na lang siyang naglaho. Tao bang maituturing ang may asal na ganyan? Huwag mo siyang puntahan Gaizelle Regina kung ayaw mong magalit ako sa iyo."

"Pero Naynay... karapatan ko namang makilala ang ama ko. Sabihin ng iniwan niya si Nanay noon pero siguradong may magandang rason iyon kung bakit siya nawala. Gusto kong marinig ang sasabihin niya." 

"Rason? Lahat ng tao may rason. Katotohanan man o baliko. Namatay ang kapatid ko nang di man lang niya inalam kung ano ang nangyari sa kanyang nobya. Ang kawawang si Anette, nabulagan ng pag-ibig sa dayong iyon. Hindi... hindi ka makikipagkita sa kanya kung ayaw mo tayong magkasira." Galit na galit si Naynay Rita. Unang beses niyang masaksihan ito kay Naynay.

Bumuntong-hininga siya at nanghihinang napaupo sa silya. Di niya inaasahan ang masidhing pagtutol ni Naynay.

"Handa ka bang harapin siya? Paano kung hindi ka niya tanggapin o kilalanin? Iyong pamilya niya, matatanggap mo ba sila o matatanggap ka ba nila?" Humila si Naynay ng silya sa dining table at naupo roon sa tabi niya.

"Ayaw kitang masaktan Gaizelle. Matapobre ang pamilya nila. Ayaw kong danasin mo rin ang dinanas ng nanay mo. Malaki ka na. Nakakatayo ka na sa sarili mong paa. Di mo na kailangan ang mapabilang pa sa kanilang pamilya. Hindi mo na siya kailangan."

"Ano ba talaga ang nangyari Naynay? Bakit umabot sa ganito? Wala na nga si Nanay kahit sana man lang si Tatay makilala ko." Di napigilan ni Gaize ang mapahagulhol sa tindi ng pangungulila sa mga magulang.

Mahigpit siyang niyakap ni Naynay. "Pasensiya ka na sa naging asal ko. Gusto lang kitang protektahan sa pamilya nila. Kung maari sana huwag ka ng lumapit sa kanila. Pero alam ko namang pupuntahan mo pa rin siya. Tama ka, karapatan mo nga iyon. Ang gusto ko lang maging handa ka sa kung ano man ang idudulot ng pagkikita ninyo. Pag-isipan mong mabuti, anak. Hindi mo na mabubura ang mga bagay na nagawa na."

"Pero Nay--"

"Gaize, may problema ba?" Si Bob, bagong gising na mukhang nagulat sa inabutang eksena.

"Roberto, di mo na sana hinanap si Raul." Si Naynay ang sumagot dahil di makatingin si Gaize kay Bob.

"Please lang, huwag mong dadalhin si Gaizelle sa ama niya."

"Po?"

Kumawala siya kay Naynay sabay akyat sa kanyang silid at nagkulong roon. Dumapa siya sa ibabaw ng kama at ibinaon ang ulo sa unan. Kapag ganitong masama ang loob niya di siya kinukulit ni Naynay.

Hinihintay nitong lumamig ang kanyang ulo.

Napaisip tuloy si Gaize. Panahon na ba para magkakilala silang dalawa ng kanyang ama? Tatanggapin nga kaya siya nito? Noong sinabi ni Bob kagabi ang tungkol sa kanyang ama ay di niya naisip ang mga implikasyon noon . Tuwang-tuwa kasi siya na malamang nahanap na ito at iyong excitement na mabigyan ng mukha at pagkatao ang tatay niya ang tangi niyang naisip. May sense naman ang sinabi ni Naynay. Tama rin ito.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now