Selosan

965 44 14
                                    

Bob

What every lesbian woman wants...

1. They want to feel attractive - Making a girl feel attractive, sexy and important will go along way in the art of seduction.

2. They want to have fun - No one wants to hang out with someone who makes them sad or depressed!

3. They want to feel a connection - Women are dying to form a personal connection and you're the perfect person to connect with. Keep that in mind.

4. They want to be inspired ...

Remembering these 4 simple tips will help you make your target girl head over heels for you. It's because the art of seduction boils down to a very few simple tricks : confidence, humor, proximity and maybe a little luck.

Bob closed the book entitled "The Great Seduction".

Trying to absorb what was read a while ago. He got up of bed and put the book inside thebside drawer and locked it.

Mahirap na. Baka mahuli pa siya ni Gaize na nagbabasa ng mga ganoong klaseng babasahin na sa tingin niya ay para sa mga teenagers o sa kababaihan lang. Hindi nga niya mapaniwalaan ang sariling ginagawang reference ang aklat sa mga diskarte niya kay Gaize.

There goes the saying all is feasible in times of desperation.

Galing sa kapatid niyang si Alwin ang libro. Ibinigay nito iyon sa kanya bisperas ng kasal nito. Naalala pa niyang napansin ni Alwin na di raw sila sweet ni Gaize. Baka daw sakaling mag-level up ang intimacy nila kapag nabasa niya ang librong iyon. Mas nakumbinsi pa si Alwin na ipamana na sa kanya ang libro nang mapaamin siyang hindi naman talaga niya girlfriend si Gaize dahil nagpapanggap lang sila.

Effective daw ang mga tips at techniques na nakasaad dahil nagamit daw nito iyon sa mga naging girls pati na rin sa asawa na nito ngayong si Jeissey. Dahil nga memorize na raw ni Alwin iyon ay di na nito kailangan kaya ibinigay na sa kanya.

Hanggang sa ngayon nga ay nasa cloud nine pa rin si Bob matapos ang makapigil-hiningang halikan nila ni Gaize kani-kanina lang. Di niya ine-expect na ganon ang magiging resulta.

Nakasilip siya ng pagkakataon kaya sinuggaban niya.

Ang sabi nga sa libro. Always look for a right oppurtunity. Once it's there, never waste it.

Malayo sa inaasahan niya ang mga naganap. Kung hindi nga lang biglang nag-ring ang telepono ni Gaize dahil sa tawag ni Marion ay baka kung saan na sila napadpad. Naiwan daw ni Marion ang jacket nito kaya bumalik pa tuloy ang isang iyon. Nawala ang momentum. Higit sa lahat, natauhan si Attorney.

"Hindi ito nangyari. This is one childish game." Namumula pa ang mukha ni Gaize bago siya iniwan at pinagbuksan ng pinto si Marion.

Childish game?

Dahil nga overjoyed pa si Bob, di na niya napigilan si Gaize na pagbuksan si Marion. Kaya hayun at nagku-kwentuhan pa ulit iyong dalawa sa labas. Iniwan niya muna dahil hindi rin siya maka-get over sa mga labi ni Gaize.

Panira talaga ang Marion na iyon! 

Saang anggulo man niya isipin, sa palagay niya ay panalo pa rin siya sa nangyari. Hindi siya tinulak ni Gaize sa gitna ng kanyang mga halik. Hindi rin ito pumalag. He tried to be as gentle as possible pero parang may sariling isip ang labi niya dahil takam na takam siya sa labi ng dalaga. Naisip niyang baka puwede talaga silang dalawa. Physical intimacy is a plus. 

Kung kaya nitong mag-respond sa mga halik niya. Baka kaya rin nitong mahalin siya. Iyong 30% chances niya last week matapos niyang mag-confess, sa palagay niya ay naging 60% na.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now