Tawag

985 48 2
                                    

Gaize

Kaya naman palang matulog ni Gaizelle ng walang sleeping pills o alcohol sa katawan. Matapos ang madamdaming pagku-kwento kay Bob ay pagod na pagod siya. Nakatulog na nga siya sa kotse nito. Si Danny na ang nag-drive ng sasakyan niya pabalik ng condo.

In-short, na-trace siya ni Bob dahil nilagyan nito ng tracking device ang sasakyan niya noong unang araw na nag-report si Danny bilang bodyguard.

Kaya nang i-report iyon ni Danny sa boss nito na tumakas siya ay mabilis siyang natunton. Kaya naman pala. Naisip niya tuloy na hanapin ang device para makatakas paminsan-minsan. Pero saka na iyon kapag malinaw na ang lahat sa buhay niya.

"Coffee?" Alok ni Bob na naghahanda ng kanilang agahan.

May fried rice, spam, bacon at bread na nakahain sa mesa.

"Yes please." Diretso upo niya sa kanyang silya na nakapantulog pa.

She felt a slight of hangover. Pero di naman siya naglasing. Maybe, it's still because of the pain in her heart.

Hindi pa siya naghahanda sa pagpasok. Ganon din si Bob, nakapambahay pa ito at mukhang di pa nagsha-shower.

"Off mo ngayon?" Tanong niya habang pinapanood ito sa pagkilos sa kusina. Mas gamay pa nito ang mga gamit niya kaysa sa kanya. Nakaka-aliw panoorin ang pag-paroon at parito nito sa paghahanda ng breakfast. Para tuloy siya ang bisita at hindi si Bob.

"Nope." Ibinaba nito ang mug niya na may kape sa tapat niya. Ang aroma nito ay nagpagising sa natutulog pang diwa.

"Bakit di ka pa nakahanda? Seven thirty na kaya." Sabay sulyap sa wallclock sa sala.

"Didiretso ako sa safe house."

"Iyong pinagtigilan ko?"

"Yup." Finally, naupo na rin ito sa puwesto niya . Nakakahilo ang pagbalik-balik nito.

"Anong meron?" Kumuha siya ng spam at hiniwa-hiwa iyon sa pinggan.

"Actually, may iko-consult ako sa iyo. Kung okay lang sana?" Itinukod nito ang dalawang siko sa mesa.

It aroused her curiosity. Di kaya taktika ito ni Bob para tulungan siyang mag-move on?

Naghintay siya ng dagdag paliwanag.

"Kilala mo ba si Charmaine Mondejar?"

Nangunot ang noo nito. "Iyong artista?"

"Eksakto. Up to date naman pala ang utak mo." Sumandok ito ng fried rice sa pinggan. Inabot naman sa kanya ng makakuha.

Iningusan niya ito. "Bob ha.. maaga pa." Sabay bigay ng warning look.

Ibinaba nito ang pinggan at hinarap siya.

"Actually, we need a lawyer on the prosecution side. I'm thinking na baka naman pwede mo ng gamitin iyong license mo for a criminal case for a change?"

"Bob, hindi ko pa nasusubukan ang criminal case. Alam mo naman na estate at family cases ang nahahawakan ko."

"Sayang naman ang lisensiya mo. Subukan mo lang. You're good with that."

"Anong kaso ba iyan at bakit pinipilit mo ako?"

"Drugs, white slavery and murder."

"Grabe.. ang bigat. Sino ang nasasakdal?"

"Red Tuazon, someone that has extreme connections to the right people. You know what I mean." Nagkibit-balikat pa.

"Anong kinalaman ni Charmaine Mondejar? Hindi naman pala siya ang kakasuhan?"

The Great SeductionOn viuen les histories. Descobreix ara