Balikat

1K 43 3
                                    

Gaize

She overslept the next morning.

She took one pill as prescribed by her doctor whenever she got sleeping problems. Mabuti na lang at nakatulog agad siya. Pansamantala ay nakalimutan ang mga sugat na natamo ng kanyang puso kagabi. Hindi na niya alam kung ano ang nangyari sa labas nang iwan niya sina Bob at Reese.

Then it dawned on her... She was jilted.

Images of Reese and Bob kissing came back like a flashback from a movie. It hit her once again. Apparently, the pain is still there. It seems like that it will linger on her system for a time being.

It's eight in the morning. She's late for work.

She got up.

Ayaw na niyang maglunod sa sakit. She is a fighter since childhood. Sa dinami-dami na ng problemang nakaya ay kailangang kayanin niya rin ito.

Hindi biro ang lumaking walang mga magulang. Ngunit sa tulong ni Naynay Rita natanggap niya iyon. Kahit madalas siyang umiiyak kapag inaasar ng mga batang kaklase ay agad niyang naunawaan na di humihinto ang mundo dahil may kakulangan sa buhay niya.

Naguluhan man siya kay Naynay sa mga naging karelasyon ay hindi niya ito iniwan at sinamahan pa na tanggapin ang mga kabiguang dinanas para muling tumayo at lumaban.

Kay Naynay Rita niya nakuha ang lakas at tapang. Ginawa niyang handa ang sarili sa lahat ng maaring makasakit sa kanya at sinigurong kaya niyang tumayo mag-isa sa lahat ng aspeto ng buhay.

Oo masakit... Sobrang sakit.. Pero di natatapos kina Bob at Reese ang buhay niya.

"It's a new day Gaize... Kaya mo 'yan!" Sabi pa niya bago bumangon sa hinihigan.

It took her an hour to fix herself. Took a bath, dressed up and put some make-up on. All black ang napili niyang outfit. Mula sa turtle-neck blouse hanggang sa slacks at sapatos ay itim. Signifying the state of her heart.

Half-hearted in facing her cliet, but still proceeded. Nagsuot siya ng eyewear dahil namamaga pa ang mga mata kahit na nilagyan na ng makeup.

Kinokontak niya si Joonie para ipalipat sa hapon ang lahat ng client meeting sa umaga habang binubuksan ang pinto ng silid. Nagulat pa nga siya na nakaupo si Bob sa labas at naghihintay. Mukhang kanina pa ito roon.

Nagkatitigan sila saglit pero iniwas niya kaagad ang mata. Mas binilisan niya ang kilos para makaalis na.

"Mag-usap naman tayo, please.." Habol nito sa kanya habang bumababa rin ng hagdan. "Walang namamagitan sa amin ni Reese. Iyong nakita mo, siya ang may pakana noon. Gumaganti siya sa akin dahil hindi ko siya pinapatulan."

Ayaw muna sana niyang makarinig ng mga paliwanag ni Bob pero heto agad ang kinakaharap.

"Talaga? Hindi mo pinapatulan... Gusto mo bang sabihin na may gusto sa iyo si Reese?" Lalo siyang nairita habang patuloy pa rin sa paglakad ng mabilis.

Nais ba nitong iparating na lalaki pa rin talaga ang gusto ni Reese?

"Oo! Gusto niyang may mangyari sa amin. Gusto niyang magkasira tayong dalawa. Hindi totoong mahal ka niya Gaize. Ginagamit ka lang ni Reese.

Kaya nagagalit ako sa kanya at kailanman ay hindi ko siya papatulan dahil magkaibigan tayo Gaizelle."

Hearing that prevented her feet from moving. She smirked upon facing him. "Magkaibigan? Totoo nga ba?"

"Matagal na tayong magkakilala Gaizelle. Kilalang-kilala mo na ang katauhan ko. Ngayon, kung mas pinapaniwalaan mo iyong girlfriend mo ay hindi ko na alam kung saan ako nakalugar d'yan sa buhay mo!"

The Great SeductionWhere stories live. Discover now