Baliw

806 51 22
                                    

Bob😊

"Alwin? Anong ginagawa mo dito?" Mukha ng kapatid ang nagisnan ni Bob sa ospital. May benda ang kanang binting may sugat.

Mabuti na lang at dumaplis ang bala sa binti niya. Kung napuruhan siya, baka wala na ang isang binti niya ngayon.

Patawid na dapat si Bob noon para habulin si Cyrus sa hideout. Kaya lang ay nadulas siya sa putikan  kung kaya't nawalan ng kontrol. Pero mabuti na rin na napa-slide dahil iyon ang nagligtas sa binti niya.

Nakawala man sa kanya ang suspect, si Romero, isa sa mga agent niya, ang nagpatulog kay Cyrus dahil sa sidekick na ginawa nito. Iti-nurnover muna nila ang pangkat sa NBI bago siya dumiretso sa ospital. Nakahanda na ang mga dokumentong nakalap nila para patunay na may kasalanan ang mga ito sa batas at maaari ng kasuhan.

Nakatawag pa siya kina Jay at Rochelle para magbalita sa success ng operation at siyempre para na rin kamustahin si Gaize bago siya dinala sa ospital. Ang alam niya ay pang-outpatient lang dapat siya. Kung paanong na-confine at  kung paano nakarating si Alwin ay di niya alam.

"Kuya, kamusta ang pakiramdam mo?" Tumayo ito mula sa kinauupuang stool na nasa tabi ng kama niya.

"Ayos naman... Paano mo nalamang andito ako?" Iginala niya ang mata sa silid. Nasa isang private room siya.

"Kay Auntie Cora."

Agad na napabaling siya sa kapatid. "Huh?"

"Si Tyong Pido kasi naka-schedule ng operation sa gall bladder niya. Nagpasama si Auntie Cora kay Mama para magbantay kay Tyong kahapon. Kagabi siya in-admit. Alam mo naman si Mama may insomnia kaya naglakad-lakad siya dyan sa labas. Dahil sarado ang main door pag tapos na visiting hours, doon sa ER sila pinapadaan. Nakita ka ni Mama na nakahiga sa kama."

"Seryoso ka? Nakilala ako ni Mama sa ER?"

Ipinagkibit-balikat ni Alwin ang tanong niya. "Ayun nag-panic.. ang akala kung napaano ka na kaya pinaluwas na rin niya ako nang sinabi ng nurse na na-daplisan ka raw ng bala. Sa halip na papauwiin ka na dapat nang malinis ang sugat mo, nag-insist si Mama na-iconfine ka. Ang praning din niya... " Sabay tawa ni Alwin.

"Nasaan si Mama?"

"Andun sa room ni Tyong. Tapos na raw ang operation at sinasamahan si Auntie."

"Ibig sabihin, pwede na akong lumabas?"

"Hindi pa.. Kasi, nag-order siya na i-full body checkup ka once na magising ka na."

"Totoo?" Napahagod sa noo si Bob. "Itakas mo ako. I need to get out of here. Ang dami kong kailangang trabahong tapusin." Napabangon si Bob sa narinig.

"Trabaho ba talaga o gusto mo lang makita si Ate Gaizelle." Naupo nang muli si Alwin at nangingiting tumingin sa kanya.

"Siyempre, kasama na iyon." Natatawang sabi niya.

"Ang lagay e..anong base ka na ba?"

"Base ka d'yan?"

"Kuya, tapatin mo ako. Gumana ba iyong librong binigay ko sa iyo?"

Napapikit si Bob dala ng frustration sa estado niya kay Gaize. Pakiramdam niya lalo siyang nabobokya. "Iyon na nga ang problema. Hindi tumatalab sa kanya ang mga nakasulat doon."

"Sinubukan mo bang lahat?"

"Kailangan ko ba talagang gawin iyon?" Pinandilatan niya ang kapatid na mukhang aliw na aliw sa lagay niya.

"Well... So, ano ngang lagay ninyong dalawa? Nag-kiss na ba kayo?"

"Alwin!" Nahagip niya ang unan at ibinato iyon sa kapatid.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now