Titig

876 57 10
                                    

Gaize

"Come on Bob... Sasamahan mo lang naman si Marion sa birthday ng ex-fiance niya," pangungulit ni Gaize kay Bob nang makaalis sina Naynay at Marion nang hapon ding iyon.

Nakabalik na si Bob mula sa kung saan man ito galing at inabutan siyang nanonood ng cartoons.

"You want me to post as her pretend boyfriend." Walang kagana-ganang sagot nito habang diretso sa TV ang mata at nakasalampak sa single seater nilang sofa. Solo naman niya ang mahabang sofa sa gitna.

Kanina pa niya kinukumbinsi si Bob na i-date si Marion pero hanggang ngayon ay paikot-ikot lang ang kanilang usapan. Para siyang ang-e-explain sa 3 year old kid na di makaintindi ng tagalog dahil english ang salita nito.

"Wala namang masama doon. Ginawa ko nga dati na mag-pretend girlfriend mo to save your ass from your nosy relatives to contradict the belief na magiging matandang binata ka. Why can't you return the favor?" Napapagod ng paliwanag niya.

Nahagip ng mata niya ang pag-igting ng panga ni Bob sabay tapon ng nakaka-alarmang tingin sa kanya.

Mali yata ang nasabi niya. She might have trigger a wrong button.

Tumuwid ito ng upo. "Kaya sinisingil mo ako sa kabutihang nagawa mo sa pagiging girlfriend ko?" Itinaas nito ang dalawang kamay na parang nagmu-muwestra ng double quotation mark sa ere. Nag-isang linya ang kilay nito. "Come to think of it, di pa nga pala tayo nagbi-break. Hanggang ngayon, girlfriend pa rin kita. " Sabay ngisi.

"Excuse me, pretend girlfriend." Mabilis na kotra niya.

A naughty smile formed on his face. Sa isang iglap katabi na niya ito sa mahabang sofa.

Napakislot bigla si Gaize at nagsumiksik sa pinakadulong parte ng upuan.

"Sige nga. Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ako papayag sa nire-request mo. Gaano mo ba ka-close ang Marion na iyan at tinutulungan mo pang ibuyo ang sariling mong boyfriend na i-date siya."

"Sariling boyfriend talaga ang term na ginamit. Baka kasuhan kita d'yan Mr. Roberto Aguilar." Proud pang sabi niya para barahin si Bob. Itinuon niya ang mata sa TV.

She knew what he's thinking. Gusto siyang baliktarin ni Bob para di ito pumayag. Riding in his trap won't harm her anyway. For his entertainment, sasagutin niya ito.

"I owed her my second life." Sumeryoso siya.

Nawala ang ngisi sa mukha ni Bob.

"I almost died of being suffocated when we were still kids. Nakulong kaming dalawa sa isang bodega sa aming school dahil may nan-trip sa amin. Mga pangit daw kasi kami." Mapait na nangiti si Gaize sa pag-alala. "I can't believe that this really happened." Bumuntong-hininga muna siya para kalmahin ang dibdib. Recalling past incident seemed like it happened two days ago. "Yung nagre-reyna-reynahan sa aming klase kasama iyong batalyon niya ang nagkulong sa amin sa bodega. Would you believe that grade six students can actually plot things like that? ." Naiiling pa siya.

Matamang nakinig si Bob habang walang patid ang titig nito. Sa ibang dako niya itinuon ang mata dahil nakaka-alarma ang tingin nito.

"Nagkasunog sa bodega. Hindi kami makaalis ni Marion. May bintana dapat kaming tatalunan pero tinatalo ng usok kaya nag-passed-out kaagad ako. Si Marion, ginawa niya ang lahat para makalabas kami. Kung hindi dahil sa kanya, matagal na akong wala sa mundong ito. Hindi rin tayo nagkakilala at hindi rin tayo aabot sa araw na ito. Kaya ganito na lang ang pabor na ginagawa ko para sa kanya."

Bob shifted his weight from the other side.

Nagpatuloy siya sa pagku-kwento. "Umalis ang pamilya ni Marion matapos ang insidenteng iyon. Nagpaalam siya sa akin na sa US na sila maninirahan. Ang natatandaan ko pa nga ay nagkaroon ng pilat sa batok ang kaibigan ko dahil sa apoy na sumalubong habang papalabas daw kami. Bata pa lang siya, matulungin na. Hindi ba't magandang quality sa babae iyon? "

The Great SeductionWhere stories live. Discover now