Bokya

2.3K 53 1
                                    

Bob

Tatlong araw makaraan ang pagbisita nina Bob at Gaize sa office of the prosecution sa Pasig ay pinatawag si Bob ng kanilang division head na si Director Roy Sarmienta. Ibinalita nitong kailangan muna niyang magbakasyon dahil nakaabot na sa
kaalaman ng mga ito ang tungkol sa kanyang kaso. Hindi daw magandang imahe para sa departamento nila na may on-going rape case ang isa sa mga head.

Naiintindihan naman ito ni Bob kaya nag-file muna siya ng indefinite leave hanggang sa matapos ang kaso.

"I heard what happened." Tinapik ni Adrian si Bob bago ito naupo sa harap ng mesa niya. Nagliligpit siya ng mga gamit at
hinahanda ang pag-turnover ng on-going at forthcoming operations na nakalinya sa mga susunod na araw sa staff niya.

Gusto niya sanang bigwasan si Adrian dahil ito ang nagpakilala sa kanya kay Carlee. Pero ano pa ang mabuting maidudulot noon kung uunahin pa niya ang init ng ulo. Baka ma-suspend pa
siya sa halip na bakasyon lang ang mangyari.

"Bakit hindi mo kausapin si Carlee. Gusto mo tutulungan kita Pare sa paglapit sa kanya. Alam ko kung saan siya mako-
contact."

May dalang pag-asa ba si Adrian kahit pa pinahamak siya? Ilang araw na nilang hinahanap si Carlee pero di nila matagpuan ni Gaize sa condo nito.  "Talaga Tol? Alam mo kung nasaan si Carlee?"

"Pwede kong malaman kung nasaan siya dahil iyong chicks ko ngayon na si Dianne ay bestfriend ni Carlee." Umihip na naman ang kahanginan ni Adrian.

Natigil siya sa ginagawa at hinarap si Adrian. "Malaking tulong kung maibibigay mo sa akin ang exact location ni Carlee."

"Huwag kang mag-alala Bob. Alam ko namang di mo magagawa ang inaakusa niya sa iyo. Medyo may kakaiba lang talaga sa babaeng iyon."

"Kakaiba?"

"Oo. Sabi ni Dianne mahilig daw mambiktima iyon."

"Anong klaseng pambibiktima?" Full attention na ngayon siya sa pakikinig sa kausap.

"Hindi ko rin alam. Pero malay mo isa lang pala ito sa patibong niya. May mga kinasuhan na rin daw ito ng rape noon."

"Ba't di mo naman sinabi sa akin? Ako pa talaga ang pinili mong maghatid sa kanya!" Pigil-pigil niya ang sariling bulyawan si Adrian.

"Malay ko bang papatusin mo iyon." Sabay tawa nito. "Kaya ko nga sa iyo pinahatid dahil alam kong ikaw ang pinakamalakas ang control sa mga kasamahan natin. Pero anong nangyari Tol at nabitag ka?"

Napaupo si Bob sa silya niya at frustrated na hinagod ang buhok. "Di ko rin alam Tol. Basta ang masasabi ko lang, walang rape na nangyari dahil pareho naman naming ginusto iyon. Di ko talaga maintindihan kung bakit nagdemanda pa siya."

"Tingin ko malakas ang tama sa iyo ni Carlee. Tinawagan mo man lang ba pagkatapos noon?"

Umiling siya.

"Baka naghahanap lang iyon ng atensyon."

"Pucha namang atensyon iyan. Sinisira niya ang buhay ko!"

"Relax ka lang Tol. I will help. Baka naman magagawan ng paraan at madaan pa sa
usapan ang lahat."

Nag-ring ang cellphone ni Bob. Tumatawag si Gaize. "Excuse lang Pare."

Tumango si Adrian. Sumenyas rin ito na aalis na. "Hello Gaizelle."

"Pwede ba? Alam mong allergic ako sa Gaizelle. Call me Dencio."

May sumapi na naman sa kaibigan niya.

"Yes Gaize." Sumeryoso siya. Ayaw na ayaw niya  itong tawaging Dencio na siya namang  gustong-gustong pangalan ni Gaize sakaling naging lalaki raw ito.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now