Paulit-ulit

1K 39 4
  • Đã dành riêng cho soooxy
                                    

Gaize

Masyadong matinik magbantay itong si Danny. Hindi makawala si Gaize sa mga mata nito. Unang araw pa lang ng kanyang bodyguard ay nahihirapan na siyang malusutan ito.

Kung bakit ba naman kasi may nagtatangka sa buhay niya!

Hindi naman siya matatakuting tao pero matapos iyong maranasan niyang muntikan ng pagkaka-kidnap, ang matigil sa safe house pansamantala, death threats at ang mensaheng nakasulat na ipinakita sa kanya ni Bob ay naniwala na nga siyang may panganib. Bago pa man siya magkaroon ng bodyguard ay nakakaramdam na rin siya na parang may sumusunod sa kanya lalo na 'pag mag-isa siyang naglalakad sa hallway. Kaya minabuti na rin niyang pumayag sa suhestiyon ba o utos ni Bob?

Minsan, iniisip niya kung advantage ba o disadvantage ang magkaroon ng kaibigan na may trabaho ng katulad ni Bob. Oo nga at may automatikong personal body guard pero napaka-praning naman lalo na pag may mga death threats siyang natatanggap.

Hindi niya pinayagan si Danny na pumasok sa conference room. May meeting silang dalawa ni Cyrus. Sinabi niyang doon lang ito sa labas dahil safe naman dito. Habang naghihintay ay nagbasa muna siya ng text messages sa kanyang cellphone. May isang unread message galing sa unknown number.

Agad niyang binuksan ang text. Nag-alala tuloy siya na baka pananakot na naman iyon. Pero bumulaga sa kanya ang mensaheng ito.

Niloloko ka lang ng dyowa mo! See for yourself, andito siya sa Starbucks sa ground floor ng building mo.

Dyowa raw?

Baka na-wrong send ang mensahe. Inignora niya iyon.

Limang minuto pa ang dumaan ngunit wala pa rin si Cyrus. Tatawagan na sana niya ito nang may matanggap siyang multimedia image galing pa rin doon sa unknown number na nag-text kanina. Picture iyon ni Reese at ng isang kilalang-kilala niyang lalaki. Ito iyong nakabuntis kay Reese. Doon sa larawan ay nakahilig ang ulo ni Reese sa balikat ng lalaki habang magkatabi ang dalawa sa sofa.

Mabilis siyang napatayo at lumabas ng room. Gusto niyang tingnan kung si Reese nga ba iyon. Ewan ba niya pero may parte sa isip niya na di pinapaniwalaan ang larawan. Baka edited ito kaya gusto niyang makita.

Ang alam niya ay wala ng komunikasyon ang dalawa matapos mabuntis ni Reese noon at tinakbuhan nga ng talipandas. Pero ano itong nangyayari?

Totoo ba talaga itong nagaganap?

Abut-abot ang tahip ng kanyang dibdib habang tahimik na nananalangin na sana ay hindi totoo ang nasa picture.

"Ma'am, lalabas ka po?" Si Danny na humabol sa kanya.

Hindi niya ito sinagot. Hinayaan niya lang na sumunod.

Sumakay siya ng elevator. Nakasunod rin ito. Pasimple siyang tumatango sa mga kakilalang nakakasalubong.

Bawat hakbang ay nagpapadagdag ng kaba sa kanyang dibdib. Ang isa pang nakakapagpaisip ay kung sino itong nagpadala ng letrato at mensahe at bakit alam nito na sila ni Reese?

Saka na muna niya iisipin ang mga bagay na iyon. Sa ngayon ay kailangan muna niyang mapatunayan kung totoo ba talaga iyon.

Lumabas siya ng elevator nang tumigil ito sa ground floor. Nakasunod pa rin si Danny. Pumasok siya sa coffee shop at mabilis na hinanap ang pakay.

Tama nga! Naroon sina Reese at Philippe. Isang pangalang kinaiinisan niya kahit ang maisip man lang. Nakaakbay si Philippe at nakahilig pa rin ang ulo ni Reese sa balikat nito. Larawan ng isang masayang pagmamahalan.

Ramdam niya ang pagtarak ng sakit sa kanyang dibdib. Paanong nagagawa ito ni Reese sa kanya? Pinapaikot siya pero sa huli ay sa lalaki pa rin pala lalapit at iiwan siya.

The Great SeductionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ