Teorya

1.3K 48 3
                                    


Bob 😊

Tila isang Great Wall of China ang distansya nina Bob at Gaize habang nanananghalian sa kusina. Kanina pa sila walang kibuan. Di pa rin maka-get over si Bob sa nakita niyang dibdib. Paano ka ba naman makaka-move on sa imaheng iyon kung matagal-tagal na panahon na rin namang bahagi si Gaize ng kanyang malikot na imahinasyon?

Normal siyang lalaki. Normal rin namang reaksyon iyong nangyari sa kanya bagamat nahihiya siya. Higit sa lahat, kailanman ay hindi pwedeng malaman ni Gaize ang lahat ng kanyang pinagdaanan nang dahil sa insidenteng iyon.

Pansamantalang naibsan ng malamig na shower ang init na naramdaman. Pinilit niyang iwaksi ang lahat ng imahe sa isipan. Nang matawagan si Steve at sinabi nitong wala pang update ay inabala niya ang sarili sa pagluluto ng tanghalian. Wala namang aasahan sa kanila. Magtatalaga na siya ng kitchen assignment mamaya para naman di lang siya ang mamrublema sa kung ano ang ilalaman sa mga sikmura.

Hindi marunong magluto si Gaize. Nabubuhay ito sa fastfood at mga ready-to-eat meals. Na-ispoil rin kasi ni Naynay Rita kaya tuloy at galit sa kusina.

Di naman grandioso ang inihanda niya. Nagsaing siya sa rice cooker at nag-gisa ng corned beef. Mabubuhay muna sila sa delata pansamantala. Kaysa naman sa palaging tinapay at kape. Kawawa naman iyong mga bantay sa labas.

Di siya makatingin ng diretso kay Gaize. Nahihiya siya at nagi-guilty sa inasal.

It is very true that he desires her. But he loves her more than that. Kaya ang hirap tuloy magpanggap na balewala lang ang lahat.

Tumikhim si Gaize. Napatingin tuloy siya kahit ayaw niya. Salubong ang kilay nito at nakahalukipkip na nang-uusig ang titig.

Uminom siya ng tubig at tumayo na. "Ikaw naman ang magligpit." He tried to sound as normal and relaxed as possible.

"May nakita ka ba?" Wala pa ring pinagbago ang pwesto nito.

Napahawak siya sa sentido. Ito na si Attorney at nagsisimula ng mag-interrogate. "Gaize, di ko talaga sinasadya."

"So may nakita ka nga." She smirked.

"But it's no big deal. It's just an accident."

No big deal daw! E biglang naging big and hard ang isang parte ng kanyang katawan.

Gusto niyang sapakin iyong isang bahagi ng isip niya. Mangunsensiya ba?

"Kung kumatok ka sana... which is the number one rule before entering a private space. Kaso anong ginawa mo? E tuloy-tuloy kang pumasok. Saan naman ang hustisya roon?"

Saan din ang hustisya para sa kanya?

He went back to his seat. "Anong gusto mong gawin ko? Ipabura ko iyon sa utak ko?"

Her jaw clenched. Her face looked like waiting for World War 3 to start.

"Gaize, there are things in life na di mo na pwedeng ibalik pa. Tapos na. May ginawa ba ako sa iyong masama? Hinalay ba kita? I'm sorry. I was too preoccupied sa pag-kontak kina Steve at nakalimutan kong kumatok. Matagal na tayong magkaibigan at kailanman ay di naman ako nag-take advantage sa iyo."

Hindi nga ba? Anong tawag mo doon sa stolen kiss recently?

Ang hirap talaga pag guilty. Palagi na lang binabalikan ng konsensiya.

"If I knew you were half-naked there I will never ever barge in to your room. My mind was preoccupied at excited pa akong ibigay iyong donut na paborito mo kaya nakalimutan kong kumatok."

Nabagabag kaya ang damdamin ni Gaize? Wala pa ring bago sa reaksyon ng mukha nito.

Napabuntong-hininga si Bob. This may be senseless. Doing all the explaining if the other party is closed-minded.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now