Tingkad

646 29 28
                                    

Na-miss ko ang Wattpad.. Sorry po kung matagal akong hindi nakapag-update.. May pinagdadaanan po ang inyong abang taga-sulat na problema sa buhay..at ang hirap pong kumuha ng inspirasyon kapag in-pain ang isang tao ... Pero dahil mahal ko po talaga ang pagsusulat kaya heto na ang final installment nina Bob at Gaize malay n'yo magka-epilogue.. Sa ilang nangungulit para sa kwentong ito, salamat sa inyo dahil nabigyan n'yo ako ng will para ituloy pa ito.. This is the best that I can do para kina Bob at Gaize.. Hope you will like it..

*********************************

Gaize

"Magiging doktor si Elise paglaki niya," proklama ni Alwin sa hapunan.

"Isn't that too early son?" Komento ni Tito Oscar sa anak. "I did not forced both of you to be a lawyer like me. Kaya nga negosyante ka at agent naman itong kuya mo."

"Frustrated doctor si Alwin Papa kaya gustong ipasa sa anak niya ang di natupad na pangarap," singit ni Jeissey.

"Kung gusto niya bakit hindi. Ang problema kung ayaw, siguradong mag-aaway kayo. Gaizelle, paki-abot nga ng alimango d'yan sa tapat mo." Si Tita Myrna.

Mabilis na inangat ni Gaize ang ulam at inabot sa Mama ni Bob.

"Are you okay?" Si Bob ang nagtatanong sa tabi niya.

Nakaupo silang lahat sa mahabang mesa doon sa veranda. Okupado ang lahat ng silya. Kompleto ang mga tiyuhin at tiyahin ni Bob. Iilan lang ang mga pinsan nitong naroon dahil nasa galaan daw ang mga kabataan. Karamihan ay seafood ang nakahaintulad ng ginataang sugpo, inihaw na talakitok, sinigang na mayamaya, sweet and sour lapulapu at marami pang iba.

"Oo naman," sagot niya sa katabing nobyo.

"Bakit konti lang ang kinakain mo? Masarap itong relyeno." Ipinaglagay pa siya nito sa pinggan niya. "Alam kong di ka pa kumakain mula kanina pa sa binyagan."

"Ayos lang ako. Ikaw ang kumain," awat niya sabay ngiti na rin para di na mag-alala si Bob.

Sa totoo lang ay kanina pa hindi mapakali si Gaizelle. Mula nang marinig niya ang usapan nina Bob, Tita Myrna at Tito Neal sa kusina.

Gusto niyang tulungan si Bob sa problema nito. Ang daming tumatakbo sa isip niya pero ang lahat naman ay paikot-ikot lang. Wala siyang maisip na paraan para saklolohan ang nobyo. Merong isa pero parang malabo.

"Kailan n'yo pasisimulan ang construction ng bahay Alwin?" Tanong ni Tita Jacky na nasa malapit lang nakaupo.

"This month na rin Tita," sagot ni Alwin. "Kailangan na naming makalipat ng bahay. Hindi naman p'wedeng nakikipisan kami sa pamilya ni Jeissey. Tita Olga, iyong sinasabi mong yaya. Kailan ba siya darating?"

Nasa may dulo pa si Tita Olga kaya kinailangan pang sumigaw ni Alwin. "Sa susunod na linggo darating na iyon."

"Naku! Good news iyan Tita. Maraming thank you," nag-thumbs-up pa si Alwin. " Jess, gusto mo ng fruit salad baling naman nito sa asawang katabi.

"Pass muna. Lalo lang akong lolobo n'yan."

"Sinabi ng akin si Gerry!"

Nagulat siya sa pagsigaw ng pinsan ni Bob na si Gertrude sa tabi niya.

"Akin kaya si Gerry. Aagawin mo na naman sa akin iyon. Pwede ba Ate, tigilan mo na iyan?" Sagot naman ni Gerika.

Nagtatalo ang dalawang bagets dahil kay Gerry. Kung sino man ang Gerry na iyon.

"Sino ba si Gerry?" Tanong niya kay Bob.

"Iyong labrador."

"Tumigil na kayong dalawa," saway agad ni Tita Mercy sa dalawang anak. "Di na kayo nahiya! Dito pa kayo nagtalo sa hapag at sa harapan pa ng mga Tito at Tita n'yo!"

The Great SeductionWhere stories live. Discover now