Pansamantala

1.4K 48 5
                                    

Bob

Isang lagapak ng pagkahulog sa sahig ang nagpagising kay Bob. Nagtatakang iminulat ang mga mata at naisip na kailangang bumili ng mas malaking kama dahil di na siya kasya sa queen size.

Saka pa lang naalala na wala nga pala siya sa sariling silid dahil narito sila sa safe house kasama si Gaizelle at ang ilang security. Nakatulog na siya sa sofa habang binabantayan ang kaibigan na nasa tapat lang ang silid. Sa sobrang pagod ay di na kinaya ng kanyang katawan. Mula nang pumasok si Gaize sa silid nito ay nagsimula na ang kanyang trabaho sa pagmo-monitor sa mga kasamahan niyang tumutugis sa kidnapper ni Gaize. Nakatutok siya sa operation gamit ang mga gadgets at communication device. Ginawa niyang temporary office ang sala para mas madali ang mag-multitask.

Hanggang ngayon ay naka-monitor pa rin siya. Nasa Ilocos na ang grupo at binabantayan ang warehouse na tinutuluyan ng mga ito.

Dumaan sila ng NBI kagabi at nagbigay ng statement si Gaize. Nang makakuha ng lead mula sa Bacoor police ay nagsimula na ang operation. Gusto niya sanang personal na tugusin ang mga walang hiyang kidnapper pero mas pinili niyang guwardiyahan ang matigas na ulong si Gaize.

Pagkagaling nila ng NBI ay nagtalo pa silang dalawa dahil ayaw nito ng bodyguard. Siya na mismo ang nagpa-assign para maging bodyguard ni Gaize kaya pumayag ito. Pero di pa rin ito kumbinsido na may nagtatangka sa buhay.

Ayaw ngang sumama sa safe house kung hindi pa si Director Sarmienta ang nag-utos ay wala sila ngayon doon. Nang dahil sa huling kasong hinawakan ni Gaize tungkol sa droga na may dawit na mga pulitiko ay naging matibay ang rason para makumbinsi ito sa bigat ng sitwasyong kinakaharap nito.

He can't let Gaize out of his sight. Kung maari nga lang ay doon na rin siya sa loob ng silid nito para mabantayan. But that's a hundred percent sure that he will be turned down. Most likely. Definitely.

Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ni Gaize noong pinuntahan niya ito sa police station. Pero bakit nagtatapang-tapangan pa rin kahit na alam nitong nasa panganib ang buhay.

Hindi niya talaga iyon maintindihan. Ano bang umiiral sa utak ni Gaize? Pride? Self proclamation? May magagawa ba ang lahat ng iyon kapag namatay siya?

Bilib siya sa kumpiyansa at diskarte nito. Nakatakas nga sa kidnappers. Suwerte siya. But that luck may not happen again if she will be captured by those criminals.

Karamihan sa mga kasong hinawakan ni Gaize ay mga high profile. Drugs, white slavery, murder cases at marami pang iba. May mga involved pang pulitiko at mga mayayamang pamilya kaya di nakapagtatakang may mga galit rito.

Iyon ang tutuklasin niya.

Ala singko pa lang ng umaga ayon sa wall clock nang tingnan niya.

Tumayo na siya mula sa carpeted na sahig na pinagbagsakan. Itinabi na muna niya ang kanyang gamit sa gilid. Nanatiling nakabukas ang kanyang cellphone habang naghihintay sa update ni Steve. Lumapit siya sa bintana. Madilim pa nga sa labas. May ilang security ring nagbabantay sa labas ng safe house.

Ini-on niya ang coffee maker at naglagay ng coffee beans at tubig sa percolator.

Mula kusina ay tinanaw niya ang silid ni Gaize. Karaniwang gumigising ito ng 6:30 AM kapag papasok ng opisina. Maghahanda ng gamit at aalis ng mga alas otso ng umaga. Kape at toast ang karaniwang breakfast nito. Pinagbawalan niya itong gumamit ng cellphone at mga social media accounts kaya pansamantalang ni-confiscate niya muna lahat ng gadgets nito. Baka may iba pang miyembro ang grupo na nagbabalak ring kidnapin si Gaize.

Nang makainom ng kape ay lumabas muna si Bob para magmasid at mangamusta rin sa ibang security.

"Good morning Sir," bati ni Estrada na siyang nakapwesto sa likod ng gate.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now