Alangan

1K 44 10
                                    

Gaize

Awkwardness, defined in Cambridge dictionary as causing inconvenience, anxiety, or embarrassment. Someone who feels awkward feels embarrassed or nervous.

This is the best word that describes Attorney Lariosa's state of mind and emotion while going down the stairs having a terrible hangover.

Person which caused the feeling of being awkward in her system... Spotted!

Shirtless...

Busy preparing their usual breakfast meal.

Ways to cope up the state of awkwardnes inside her mind.

Option one... Deny

Option two... Ignore

Option three.... Aknowledge

Alin kaya ang best choice sa mga naiisip niya?

Saan ba nanggaling ang mga suggestion na iyon? Parte pa rin ba ng hangover? Isusumpa na talaga niya si Kumpareng Jack Daniels!

Never na talaga siyang iinom... for now.

Paano ba niya matatakasan si Bob? Dapat pala nakabihis na siya at paalis na para sibat na agad pa-opisina para iwas confrontation.

On the other hand, bakit ba siya maaasiwa?

Wala lang naman iyon! Para kiss lang. Ano bang big deal dun? Hindi lang naman iyon ang unang beses niyang nakipaghalikan. Dami-dami na nga. Let's enumerate. Si Reese, si Tanya, si Marjorie at ilan pang naka-liplocking niya during college days sa sorority. Mayroon din namang ilang recent before Reese came into her life na di na niya maalala ang mga pangalan . May torrid, may casual at may french kiss pa nga. Iyong kay Bob, halik lasing lang iyon. Pero bakit naalangan siya?

For Pete's sake! Hindi siya pwedeng tumiwalag sa asosasyon. Dapat nga nag-mouthwash siya ng paulit-ulit kagabi dahil nakipaghalikan siya sa kapwa niya lalaki! Iyon nga lang dahil sa kalasingan nga ay nakatulog agad siya ng mahimbing at ngayon lang nag-sink-in sa kanya ang mga pinag-gagawa niya kagabi.

Hindi ito maaari!

On the sad part, wala namang pwedeng sisihin kundi ang sarili. 

Mali! iyon palang naglalandian sa HBO movie. Mga bwisit na iyon! Isama pa niya sina Reese at Philippe. Sila talaga ang dahilan kung bakit nabaliko ang kukote niya kagabi at ni-dare niyang makipag-sex kay Bob. Mabuti na lang at matino ang kaibigan niya. Hindi siya pinatulan. Pero hinalikan naman!

Goodness! Gracious!

Was it a good thing or bad?

Kiss lang iyon Gaize! Paulit-ulit niyang isinasaksak sa kukute niya habang nahinto na sa pangatlong baitang pababa. Walang malisya iyon. You've done kissing before. First time nga lang na sa lalaki ngayon.

Nakatalikod ang shirtless niyang best friend at abalang-abala sa niluluto. In fairness, lean ang katawan ni Bob. His muscles were on the proper places. Even on the side of her sighting, she can see that his abs are to die for. Most especially, sa mga girls.

Nagbunga rin ang pagbababad nito sa gym noon. Isama pa iyong training nito bago napasok sa NBI ay nakatulong rin para gumanda pa lalo ang katawan. He could pass as a model/endorser of underwears.

"Tapos ka na bang pag-pyestahan ang katawan ko?" Di naman siya nilingon ni Bob. Doon pa rin ang atensyon sa niluluto.

Paano nito nalaman na nakatingin siya rito? May pagka-psychic na ba ang lalaking ito o may mata na sa likod?

"Excuse me?" Ipinagpatuloy niya ang pagbaba sa natitirang baitang at dumiretso sa counter ng coffee maker.

"Inggit ka siguro sa abs ko no?" Nagulantang siya na nasa may likuran niya pala ito. Kinilabutan siya bigla nang maramdaman ang hininga nito sa kanyang tainga.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon