Impormasyon

876 45 10
                                    

Gaize

"Bakit naman ganyan ang suot mo Marion?" Sita niya sa kaibigan nang bumeso sa kanya.

She's not used to in that practice. Pero para wala na lang tanong-tanong e di sige. Go... Beso!

Agad siyang lumayo kay Marion. Di niya kasi maitago ang inis sa babae. Kunwaring inabala ang sarili sa pagkuha ng pinggan sa counter.

"What's wrong with my outfit? This is fashion. Subukan mo rin magsuot ng ganito paminsan-minsan, friend. It will unleash the wild side in you."

"Totoo ba iyang sinasabi mo Marion?" Naroon na rin pala si Bob sa kusina. Humihila na ito ng silya at naupo na nang tapunan niya ng tingin. "E conservative itong kaibigan natin. Imposibleng mangyari ang suggestion mo."

Pinatamaan niya ng dagger look si Bob. "Hoy Roberto ano iyang mga sinasabi mo?"

Pero ang kumag sa halip na matakot e kinindatan lang siya kaya lalong naningkit ang kanyang mata.

Walang paki namang nakaupo na rin si Marion. Doon pa talaga sa puwesto niya!

"Alam mo kasi ang mga babae kahit gaano pa iyan ka-conservative, may tinatago pa rin iyang landi." Natatawa pang gatong ni Marion. 

"Ibahin mo itong si Gaize. Maton iyan e." Aba't balak pa yata siyang ibuko ni Bob kay Marion! Wala pa namang alam itong kaibigan niyang lesbiana siya.

Hanggang ngayon ba ultimate member ka pa rin ng lesbian community?

Kakaamin mo nga lang kanina na in-love ka na sa kaibigan mo!

May kumontra ba naman agad sa isip niya!

"Eh ako Bob. Anong tingin mo sa 'kin? Palagay mo babastusin ba ako ng mga makakasalubong ko?"

Sarap bigyan ng flying kick ni Marion. Kahit pa malaki ang utang na loob niya sa babae, di niya naiwasang mainis rito. Pabagsak tuloy na nailapag niya ang pinggan para kay Marion.

"Beshie... di na ako kakain. You know, diet muna lalo na pag-dinner to maintain the figure."

"Ang payat-payat mo na nga nagda-diet ka pa. Kaya pala puro wine ka lang sa engagement party." Si Bob habang inaalis sa plastic container ang mga sauces ng dumplings. "Hindi ka naman mukhang babastusin. Baka ma-starstruck pa ang mga iyon. Ang akala nila may artista o modelo silang nakita."

Naupo na siya doon sa isa pang silya at di na pinansin ang pailalim na papuri ni Bob sa katabi niya. "Ano palang nangyari sa inyo ni ex-fiance?"

"Ayun... wala.. Papakasal pa rin siya." Nawalang bigla ang happy mood nito. "Which lead me to my objective kung bakit ako nagpunta rito.  Aayain ko sana kayong mag-bar. Tara guys, mag-good time naman tayo."

"Sorry Marion, may hearing ako bukas. Si Bob na lang ang ayain mo. Sasama iyan."

"As much as I want to join you pero kasali ako sa hearing ni Attorney Lariosa." Ipinaglagay siya ni Bob ng dumplings sa pinggan niya. Pati na rin ng sauce. "Ako na." Awat niya sa kaibigan.

He is just being himself. Maasikaso pa rin. Nawala siguro sa isip nito na kasama nila si Marion.

"Ang sweet ni Bob. Ganyan ka ba palagi kay Gaize."

Dahil awkward ang pakiramdam niya, nag-focus si Gaize sa paghiwa ng spareribs.

"Ganito talaga ako sa mga kaibigan ko." Simpleng sagot ni Bob. 

Di naman makatingin si Gaize sa lalaki.

"Really, sana sweet ka rin sa akin kapag nag-date ulit tayo." May halong panunudyo ang boses ni Marion.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now