Lihim

1.2K 41 3
                                    

Gaize 🙆

Habang tulala sa kawalan ay malinaw na nabalikan ni Gaize ang kanyang panaginip. Naghahalikan daw sila ni Bob habang pinapanood silang dalawa ni Reese. Masyadong intense ang mga halik ni Bob na parang may mahikang di mapaghiwalay ang kanilang labi kung kaya't nang makita sila ni Reese ay di niya magawang itulak man lang ito.

Anong bangungot ba naman iyon! Ang nakakabaliw pa e tanggap niya ang sitwasyon at tumutugon pa siya sa halik ni Bob!

She must be really, really out of her mind! Mabuti na lang at nagising na siya. Mabuti na rin at isang masamang panaginip lang. Dahil kung totoo iyon ay napakasamang pangitain!

"Diyos ko Roberto... Tigilan mo ako." Ginulo-gulo niya ang kanyang hanggang balikat na tuwid na buhok at saka nagsimulang kumilos para maghanda pagpasok sa law firm.

Hindi kaya epekto ito ng pagiging pretend girlfriend niya kay Bob?

Imposible...

Bago pa siya masiraan ng bait ay hinagilap na niya ang kanyang cellphone sa may bed side table.

Alas nueve ang usual na opisina niya. Ala sais pa lang naman ayon sa oras ng cellphone. Nagtipa siya ng morning greeting kay Reese.

Morning Babe.. luv u!

Message sent...

She does'nt expect a reply from Reese. Knowing her na late sleeper. Panggabi kasi ito sa pinagta-trabahuhang hotel casino. Six PM to four AM ang schedule nito kaya madalas pag nagte-text siya ay patulog pa lang ito.

She got up and do some stretching.

Part na rin iyon ng morning ritual niya na natutunan sa Taekwondo lessons.

Nag-ring bigla ang kanyang cellphone. Sa pag-aakalang iyong sekretarya niya ang tumatawag tungkol sa detalye ng hearing mamayang hapon ay napabalikwas siya sa ginagawa. Agad na pinuntahan ang cellphone sa kama. Mabuti na lang at nadampot agad niya dahil si Reese ang nasa kabilang linya.

"Babe, bakit napatawag ka?" Excited na sagot niya pagka-swipe ng answer call button.

"Na-miss kasi kita." Ang lambing ng boses nito.

Di naman mapigil ni Gaize ang pagngisi. Lumapit siya sa may bintana at itinaas ang blinds. "It's nice to hear your voice first thing in the morning. Sana dalas-dalasan mo ang tawag." Feeling giddy inside out.

"Of course Babe..." She heard her cleared her throat. "Nga pala Babe, remind din kita doon sa car na hihiramin ko tomorrow evening. Don't forget na idaan dito sa bahay bukas. I want the blue Audi."

It's actually Cyrus' car, iyong business partner niya sa law firm. Gusto raw ng magarang kotse ni Reese dahil binu-bully daw ito sa bagong pinagtatrabahuhan.

Sa totoo lang ay kapritso lang ang problema nito dahil gustong magpasikat. Pero dahil mahal niya at kakabalikan lang daw nila for good na this time kaya pumayag siya sa gusto nito. Nasabi na niya iyon kay Cyrus noong isang araw. Mabuti na lang at pumayag. Napaka-lame nga ng reason niya, Buti na rin at bumenta. Sinabi ba naman niyang kailangan niyang mag-show-off sa mayaman niyang kliyente kaya di pwede ang kotse niya.

"Malilimutan ko ang hearing pero hindi ang hinihiram mo." She giggles.

"Ang galing mo talagang mambola." Tumawa ito. "Bumenta na iyan, Babe kasi napa-OO mo na ako," sabi pa nito sa pinaliit na boses. "And Babe... pati na rin iyong money sana... Nakakahiya talaga. If you did not insist, hinding-hindi ko ito tatanggapin. I just need it for the card bills. But I will pay you next cut-off."

Money is not a problem to her. She knew that Reese badly needs it due to her over purchasing.

"Na-deposit ko na sa account mo kahapon pa...So.. see you tonight?" She said. Anticipating for their date later in the evening.

The Great SeductionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora