Dikit

1.1K 40 6
                                    

Bob

Ini-lock muna ni Bob ang pinto. Naglakad siya palapit sa kama ni Gaize.

"Protective ka pala Roberto. Siguro kung may kapatid kang babae kawawa mga manliligaw niya sa iyo."

Nginisihan siya ni Gaize. Tinaasan pa ng kilay.

"Mabuti na lang at wala akong kapatid na babae." Ipinagpag niya ang hospital gown at sinuri ang hitsura. Nasa likod ang mga tali nito. "Siguradong lagot sa amin ni Alwin ang magpapaiyak sa kanya."

"Kailangan nating tanggalin ang pagkakasukbit ng cast mo." Pinasadahan niya ng tingin si Gaize. "Kaya mo ba na wala munang holder?" Sabi niya habang pinag-aaralan ang susunod na gagawin.

"Kaya naman.." Sinipat ni Gaize ang cast niya.

Lumapit siya sa kaibigan at in-unlock ang holder kaya nahulog ang strap. Nakakabit pa rin ang isang bahagi nito sa kanang kamay ni Gaize. Hindi na niya iyon tinanggal. Nakadikit na kasi ito sa cast.

"Ang sabihin mo, buti na lang at wala kang kapatid na babae dahil baka siya ang magbayad sa mga kalokohan n'yo ni Alwin sa mga babae."

Inisang hakbang niya ang stand ng dextrose. Kinuha niya ang boteng nakasabit sa bakal na holder. Inilusot niya iyon sa kaliwang sleeve ng hospital gown. Isinabit niyang muli ang bote. "Tayo ka please."

Masunurin namang tumayo si Gaize. Hawak niya ang gown. Dahan-dahan niyang inilusot ang kamay nitong may tusok.

"Sandali, paano itong blouse at pants ko?" Awat ni Gaize.

"Huwag atat. Huhubarin din natin iyan." Cool pang sabi niya bago kinindatan ito.

Tinaasan lang siya nitong muli ng kilay at umingos. "Kung sana, inalis muna natin ang damit ko e di madali na lang itong isuot."

"Gusto mo talaga masilipan kita?" Pinandalitan pa niya ito bago muling nag-concentrate sa pag-ayos ng kamay nitong dinadaanan ng gown.

"Para na naman  tayong magkapatid. Wala na iyon sa akin."

Huminto siya sandali at hinarap ang kaibigan. "Gaize, nire-respeto kita. Ayaw kong mailang ka sa akin. Huwag ka na lang kumontra. I'm doing my best not to see any part of your skin."

"Asus at may pa-respe-respeto ka pang sinasabi. Para namang hindi mo pa napag-praktisan ang labi ko."

Literal na nagulat siya sa narinig. Di niya akalaing sasabihin nito iyon. Kita niya ang pag-ngiwi nito sabay tingin sa ibang direksyon.

Pinagkibitan na lang niya ito ng balikat bago muling itinuon ang pansin sa ginagawa. Ayaw na niyang palawigin iyon.   Matagumpay na nailusot niya ang kaliwang sleeve. Iyong kanang kamay naman nitong may cast ang sunod niyang pagtutuunan. Pero bago iyon dapat nga yatang matanggal na niya ang blouse nito. Mabuti na lang at naka polo-style ang suot ni Gaize. Inayos niya ang damit hanggang sa likod nito. Halos nakasuot na ang kalahating gown rito.

"Ahm.. Gaize, ipapasok ko iyong kamay ko sa ilalim nito para matanggal ko ang butones." Sabi niya saka tumingin sa mga mata nito.

"Go ahead." Mahinahon pang sabi. Sinalubong nito ang titig niya. Mas lalo tuloy siyang ninerbyos. Pakiramdam niya ay masusing pinagmamasdan nito ang ginagawa niya.

Concentrate Bob! You can do it!

Itinaas niya ng bahagya ang gown at ipinasok ang kamay. Nakatitig siya sa ibabaw ng puting damit habang kinakapa ang butones. He has to keep it cool. Imagine, one of his fantasies ... undressing Attorney Lariosa! Now that it's happening, hindi ito iyong ilusyon niya. This is very very far from that! Pagkakataon nga naman...

The Great SeductionWhere stories live. Discover now