Kabiruan

829 38 11
                                    

Bob

Let go and let God.

Bob has been applying this saying in his life after his failed relationship with Lynette. It took time for him to realize that Lynette no longer loves him. Until he finally moved on.

Since then, isa lang talaga ang di niya mapakawalan sa buhay niya. Si Gaize.

After their first big misunderstanding since they became an item, he let go of everything that bothers him when it comes to Gaize. He said to himself that he should give more trust to Gaize and to their relationship. Kaya parang walang nangyari. They resumed their normal routines. Their usual days. Their regular life.

Sa umaga susunduin niya si Gaize sa condo at ihahatid sa opisina bago siya pupunta kung saan ang kanyang assignment o sa ahensiya. Kapag may time sa lunch nagsasabay sila lalo na kung magkalapit lang ang mga location nila. Sa gabi susunduin niya si Gaize sa opisina o sa korte o client meeting. They will have dinner in a resto, watch a movie or chill to a bar sometimes. Madalas nakatambay siya sa condo ni Gaize at doon na naghahapunan ng luto ni Naynay.

Reese still bothers them sometimes. But Gaize did not entertain her anymore. Na lalong ikinatuwa niya. Time flies, especially when you're happy. But there are times that he's not contented with just being around Gaize doing their usual routines. Three months is not that long para sa isang relasyon. Kadalasan kapag three months nandon na ang threat ng breakup dahil nagkakasawaan na. Pero iba ang nararamdaman niya. Mas sumisidhi ang kagustuhan niyang makasama si Gaize. Katulad ngayon, nalulungkot na agad siya dahil may conference si Gaize sa Baguio ng isang linggo.

For Pete's sake, one week silang magkakalayo! Gustuhin man niyang sumama ay di maari. May importanteng operation sila ngayong linggo at kailangang naroon siya kasama ang team. Kinuha ng NBI ang serbisyo nila para sa isang malawakang drug operation. Hindi niya pwedeng biguin si Director Sarmienta. At this point, he chose work over lovelife. Gaize totally understand that kaya wala namang problema. Siya lang ang nalulungkot dahil mami-miss niya ang nobya.

"Kumpleto na ba ang gamit mo?" Naulinigan niya ang boses ni Naynay Rita. Naroon siya sa salas at nakaupo sa mahabang sofa habang naghihintay bumaba si Gaize. Ihahatid niya ito sa Pasay kung saan ang meeting place ng mga kasali sa conference. May van na nakalaan kina Gaize papuntang Baguio.

Kayang-kaya niya itong ihatid hanggang Baguio kung hindi nga lang may importante silang meeting mamayang hapon.

Pababa na ang mag-ina sa hagdan ng second floor. Agad siyang tumayo para tulungan si Gaize na ibaba ang trolley bag na buhat nito.

Naka-kulay kremang blouse na kita ang balikat ang suot ni Gaize. Naka-kulay itim itong skinny jeans at sapatos na walang takong. Hakab ang kurba ng bewang at ng mga legs nito.

Kinuha niya ang trolley nang salubungin pababa. Napayuko si Bob nang abutin ang bag at bahagyang yumuko rin si Gaize kaya nagulat siya nang masilip ang cleavage sa suot nito.

Hesusmaryosep!

Uminit ang kanyang mukha at umakyat ang dugo sa ulo. "Iyan ba ang susuotin mo?" Kunwari na walang pakialam pero sa totoo lang aburido siya sa suot ng nobya. Paano na lang kung makitaan ito ng ibang abugadong kasama? Mas lalong gumanda si Gaize. Bukad sa puti at itim na kulay ng damit na palaging suot nito dati, nagsusuot na ito ngayon ng ibang kulay at ibang tabas. Lumabas ang pagkababae at kasekhihan nito. Iyon ang ikinapa-praning ni Bob madalas. Ayaw naman niyang masabing pakialamerong boyfriend na pati damit ng nobya ay siya pa ang huling may desisyon. Madalas itinatago na lang sa sarili ang reklamo. But it always bothers him. He hates the eyes of men feasting in his property. Sana lang ay mahusay niyang naitago ang totoong damdamin.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon