Special Chapter

731 23 16
                                    

Bob

"Waah! Uhaa..Uhaa..."

May batang umiiyak na naririnig si Bob kung saan. Pero dahil sa sobrang pagod at kaantukan ay di niya magawang maimulat ang mata.

"Uhaa!"

"Papa! Papa!"

"Waah! Don't touch my Barbie!"

"Papa! Papa si Ate Pines ayaw magpahiram ng toy niya."

Gustong-gusto nang ibukas ni Roberto ang mata pero ang talukap at katawang lupa niya ay ayaw sumunod sa isip niya. Hanggang sa may naramdaman siyang humihila ng kanyang buhok kung kaya't kusang mumulat ang mata.

Puting kisame, kulay gintong ceiling fan at batang babae sa kanyang tabi na patuloy sa pa rin paghila ng buhok ang kanyang nabungaran.

"Papa... si Baby Travis nagugutom na yata. Kanina pa siya iyak ng iyak."

Sino ba itong batang ito?

Did he hear it right? Tinawag siyang "Papa"!

"Si Ate Pines ayaw magpahiram ng Barbie doll. Di ba sabi mo bibilhan mo ako ng toy ni Rainbow Dash inuna mo pa yung Barbie ni Ate." Mukhang nagtatampo ang bata sa hitsura pa lang. Kunot ang noo at naniningkit ang mata. "Pero okay lang iyon, sabi mo kasi sick si Ate kaya siya muna ang mauuna sa toy at si Mama naman ang bibili ng kumpletong set ng My Little Pony. Pero sana bumangon ka na rin kasi wala ng milk si Travis."

Totoo ngang may batang umuuha kanina sa pandinig niya! Ngayon ay lalo pang lumakas ang iyak nito.

Kahit di pa niya maunawaan ang mga nangyayari ay mabilis siyang kumilos at hinanap ang batang umiiyak.

"Aray!" May naapakan siyang matulis sa sahig. Inangat niya ang kaliwang paa at nakitang may dugo sa talampakan. "Shit!"

"Papa! Don't say bad word. You always tell me that, pero ikaw naman ang nagsasabi."

"Waahh! Uhaaa! Uhaa..." Lalo pang lumakas ang iyak ng baby.

Ang gulo-gulo ng bahay. Kalat ang laruan sa buong paligid. May mga titiklupin pang damit ang nakasalansan sa kulay abong sofa sa sala at tambak ang hugasing pinggan sa kusina. Kanino bang bahay iyon?

Umiyak na naman ang bata kaya di na niya pinansin ang nakikitang kaguluhan nang matanaw ang kinalalagyan ng crib. Nang lapitan niya ay naroon nga ang baby na umiiyak at namumula na. Out of instict ay binuhat niya ang bata na himala namang tumigil sa pag-iyak.

"Papa...nagugutom na ako." Bigla namang may lumitaw na mas malaking bata kaysa sa batang nanggising sa kanya.

"Ha?" Mukha ba siyang ref na hanapan ng pagkain?

"Wala pong iniwang food si Mama."

"Nasaan ba ang Mama mo?" Kuryoso ring tanong niya.

"Nasa hearing po."

Hearing!

"Bakit may hearing?" Wala sa sariling naitanong sa mukhang naiirita ng bata sa harap niya.

"Di ba lawyer si Mama? Papa naman... May amnesia ka?

Malamang kaya na si Gaize ang nanay ng mga ito?

"Maghanap ka na lang ng pagkain sa ref."

"Papa, gusto ko ng fried chicken."

"Ate Pines, bawal sa iyo ang oily."

"E gusto ko ng fried chicken Odette," singhal nito sa nakababatang babae.

"Sinasabi ko lang naman na pag kumain ka ng chicken lolobo na naman ang nguso mo dahil sa allergy. Kung gusto mo e di kumain ka. Papa, huwag mo siyang ipagluto."

The Great SeductionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora