Higit

1K 48 3
                                    

GAIZE

Pls. Gaize.. This is the only favor I asked you.

Drop the case of Red Tuazon..

I can't say the reason now.

I just need you to cooperate this time..

Napabuntong-hininga si Gaize nang ilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Paulit-ulit ang pakiusap ni Cyrus na bitiwan niya ang kaso. Nasa Cebu ito ngayon para sa isang kasong hinahawakan. Kahit na abala roon ay ilang beses pa itong nakapag-text tungkol sa pakiusap.

"What's wrong?" Nagulantang siya kay Bob na nakatingin pala sa kanya mula doon sa sofa sa kanyang opisina. Abala rin ito sa trabaho. Kanina pa rin niya naririnig na iba-iba ang kausap sa telepono at tutok sa ginagawang report sa laptop nito.

"Nothing.." Isang buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago nagbukas muli  ng folder para  sa report na pinasa ng mga researchers niya tungkol sa kaso ni Red.

Hindi pa rin niya ni-reply ang text ni Cyrus.

What can she do? She already gave her word to the prosecutor's team. Wala rin namang maibigay na matibay na rason si Cyrus para pagbigyan niya ang pabor nito. Magiging unfair siya sa mga kasama sa kaso kung gagawin niya iyon. Isa pa, malapit ng magsimula ang hearing.

She's reading the profile of Red Tuazon. Napakaraming anumalya pala ang nagawa na nito noon pa man.

"Hindi pa ba tayo uuwi? Mag-aalas otso na." Si Bob habang nag-iinat.

The day went well. It's just like normal busy day. They were both working  on their own the whole day. No mentioning of the kiss they shared last night. She silently thanked him for that. Iyon nga lang, ang sama ng tingin ni Irma sa kanya kanina nang makita silang dalawa ni Bob na lumabas para mag-lunch.

Poor girl. Bahala siya. Huwag lang niyang ipagkakalat iyon at baka siya naman ang ma-tsismis. But knowing her, for sure, naikwento na nito iyon kung kanino. Madali lang naman niya iyong malulusutan. She already has an argument in mind.

"Hindi pa. May appointment pa ako."

"Anong oras ba darating iyang kausap mo?" Nagliligpit na ito ng gamit. Mukhang pagod na nga.

Ibinaba niya ang folder sa mesa at isinandal ang likod sa executive chair. "Actually, hindi siya darating. Tayo ang pupunta sa kanya."

"Bakit hindi pa tayo umalis?" Naghikab pa.

"Iniintay ko pa ang text ng sekretarya niya."

Tumawag kanina si Vernie, ang sekretarya ni Chairman Domingo Madrigal. Gusto raw siya nitong makausap ngayong gabi.

Isa si Chairman Madrigal sa mga top clients niya. Nagmamay-ari ng pinakamalaking food industry sa bansa. Matagal na niyang kliyente ito. May sakit ito at inililihim ang totoong kalagayan sa pamilya at publiko. Never pa itong nakatapak sa opisina niya. Siya palagi ang pumupunta sa address na sinasabi nito. Malaki ang utang na loob niya kay Chairman Madrigal dahil ito ang nagpaluwag ng pera sa kanya para makapagpatayo ng law firm. Nakakatawa mang isipin na nagkakilala sila ni Chairman dahil sa pamangkin nitong si Anette Madrigal na girlfriend niya noon.

Saan naman kaya sila magkikita  ngayon? Kadalasan ay sa mga kakatwang lugar siya nito pinapapunta. Iyong huli nga ay sa rooftop ng isang kilalang motel.

"Can we at least eat dinner?"

"Gutom ka na ulit? Kaka-meryenda pa lang kaya natin." 

"Hindi ako nagugutom. Ikaw ang inaalala ko. Hindi ka naman kumain ng snack kanina. Kape lang ang laman ng tiyan mo. I'll call a delivery. Anong gusto mo?"

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon