Pagsusuri

932 45 3
                                    

Gaize

Gaize can't work at home anymore. The more na palagi niyang nakikita si  Bob, the more na gumugulo ang mundo niya. Kaya nga di niya na tuloy  mabigyang hustisya kung totoo nga bang nagkakagusto na rin siya sa lalaki. Baka kasi iyong presence palagi nito ang napapagtuunan niya ng pansin kung kaya't ganon na nga ang tinutungo ng damdamin niya.

Kailangan niyang suriing mabuti ang lahat bago gumawa ng desisyon. Hindi naman kasi ito simpleng pagbili ng suka na antas ng asim ang sukatan ng pagpili. She has to distant herself from him even just a little bit.

Kaya kina-Lunes-an, pumasok na siya sa opisina. Mabuti na nga lang at si Danny ang kasama niya ngayon dahil may aasikasuhin si Bob sa trabaho. 

Kailangan niya na ring makausap si Cyrus tungkol naman sa lagay ng kanilang kumpanya. Kanina pa niya ito hinihintay na dumating.

Inabala niya ang sarili sa mga dokumentong kailangang i-review na matagal ng natengga sa kanyang mesa. Pero kanina pa siya nagbabasa subalit di naman maunawaan ang mga nakasaad dahil sa mga text ni Bob. Sunod-sunod na dumating iyon. Di niya mapigilang di basahin kahit pwede namang dedmahin muna.

After the earth-shattering kiss they shared few days ago, tuluyan ng nahati ang damdamin niya. As in 50/50. She can't deny the fact that he has an effect to her. A very strange effect that even herself can't believe it.

But the fact na gumugulo pa rin sa isip niya kung babae pa rin ba o lalaki na ang gusto niya ang siyang pumipigil sa kanyang bigyan ng konklusyon ang kanyang feelings. Is she really in-love with her friend?

That's the million dollar question she needs to answer soon.

Mabuti sana kung ang inaalala lang niya ay ang mga consequences kung piliin man niyang subukan ang pakikipagrelasyon kay Bob. Pero iyong past niya na nagmahal siya ng babae ang mas nagpapagulo sa kanyang disposisyon.

How she wished that she has someone whom she can talk to about this?

Pero wala e!

Sino ba bestfriend niya? Si Bob! Kaso, di naman niya pwedeng i-confide sa lalaki dahil siya nga ang gumugulo sa buhay niya. Pwede sana si Marion, kaso type naman ni Marion si Bob. Ang presensiya ni Marion ay nakakadagdag pa sa pagtimbang niya sa totoong damdamin kay Bob.

Si Naynay na lang kaya? Pero willing ba siyang tuksuhin nito to the max? Nitong mga nagdaang araw nga, napansin niyang humihirit pailalim ng biro ang nanay-nanayan niya.

Bakit ba kasi kokonti ang kaibigan niya?

Talagang dumipende na lang siya kay Bob sa pagiging bestfriend. Malay ba naman niyang magkakagusto ito sa kanya. Ang hirap pala. Di niya akalaing darating ang araw na mararanasan niya ang ganitong dilemma.

Tumunog muli ang cellphone sa ibabaw ng mesa at panibagong message ang pinadala ni Bob.

Your lunch is on the way. Eat please.

Ang hirap i-gauge. In love ba siya o hindi? Natutuwa ba siya o naiirita?

Sipag niya talagang magpaalala sa utak ni Gaize. Naiinis na nga siya minsan.  Pero pag di naman nag-text at lumipas ang oras na di niya alam kung nasaan o anong ginagawa nito, naghahanap naman siya.

Hay...  mababaliw na talaga siya.

Napamasahe tuloy si Gaize sa ulo niya. Alas diyes pa lang ng umaga ay naii-stress na siya sa pag-iisip sa lalaking iyon. Sa halip na itong mga kaso sa mesa ang pinag-uukulan ng pansin ay di niya tuloy magawa.

Ano nga ba ang mga signs na in-love ang isang tao?

Naisipan niyang i-consult si ever-reliable Mr. Google. Baka naman kasi lovesick lang siya o napa-praning sa idea ng pagiging in-love.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now