Prologue

1.7K 33 2
                                    

"Thank you sa paghatid" ngumiti ako at sinalubong ang mata nya paghinto ng sasakyan nya.

Hinaplos nya ang pisngi ko at hinalikan ako. Lumapad ang ngiti ko dahil doon.

"No problem" aniya

"Hindi ka ba talaga matutulog ngayon sa condo?" Tanong ko sakanya

Madalas na kasi syang nagpapalipas ng gabi sa bahay ng parents nya at hindi sa condo nya. I don't know why would he choose to live there kung mas malapit naman ang condo nya. Ayoko namang mag-isip ng kung ano dahil ayaw kong mag-away kami. Ayoko namang isipin nya na wala akong tiwala sakanya.

"I really can't" aniya

Gustuhin ko mang itanong kung bakit pero di ko magawa. Dahil natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Natatakot ako sa posibleng kasinungalingan nya.

"Okay, I love you" ani ko at bumaba ng kotse nya.

"Bye" aniya at pinaandar na ang sasakyan nya palayo.

Napanguso naman ako nang hindi man lang sya sumagot. Hindi naman sa nagdedemand ako ng sagot pero kasi ganon naman sya dati eh. Siya pa nga ang unang nagsasabi nun.

Pumasok na ako sa loob ng condominium at sumakay ng elevator. Sinandal ko ang katawan at ulo ko sa wall ng elevator at bumuntong hininga. Pumikit ako habang inaalala ang nangyari kanina.

Hindi naman ako bobo para hindi maramdaman na may iba siya, hindi ko pa nga lang talaga sya nahuli sa akto. Tanga siguro talaga ako at martyr dahil kahit na ramdam ko, binabalewala ko. Nagbabakasakali ako na magbago sya, na baka confused lang siya ngayon. Siguro titigil nalang ako kapag harap harapan ko ng nakita ang panggagago nya sakin. Sa ngayon habang wala pa kong nakikita, aasa muna ako na sana mali ang kutob ko. Paano kung talagang mali ako diba? Ayokong maghiwalay kami dahil sa maling akala.

Lumabas na ako ng elevator at naglakad papunta sa unit ko. I typed my passcode bago pumasok.

My unit is spacious lalo na't mag-isa lang ako at ayoko ng maraming gamit. My parents bought this unit for me. Isa ito sa malalaking unit dito sa condo. It has three bedrooms, four bathrooms, kitchen, living room and dining area. Malaki sya for me dahil ang parents ko ang pumili nito.

2 years na kami ni Calvin. He is my first in everything. Holding hands, hug, kiss and even 'that'. Yes, I gave my everything to him dahil mahal ko sya. Siguro nga tama sila, lahat nagiging tanga sa pag-ibig pero wala na kong magagawa, naibigay ko na.

Sa ngayon hindi ko iyon pinagsisisihan, pero balang araw. Baka pagsisihan ko.

Nilapag ko ang bag ko sa kama at saka naligo. Pagkatapos kong magbihis nagtimpla ako ng gatas at nagtoothbrush.

Sinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama at tinitigan ang picture namin ni Calvin sa phone ko na syang lockscreen ko.

Mabilis ang naging pangyayari samin ni Calvin. We met way back in high school, we were classmates ad seatmates. We became close hanggang sa umamin at nanligaw sya. Umabot ng isang taon ang panliligaw nya sakin at dahil mahal ko sya hindi ko na pinatagal pa lalo. Sinagot ko sya at ngayon 2 years na nga kami. Our relationship was really good but these past few months kasi bigla nalang syang nanlamig. I confronted him before but he only got mad kaya hindi ko na inulit.

Kinabukasan nagising ako sa tunog ng alarm clock ko.

Naligo na ako at nagbihis. Naglagay rin ako ng powder at lip gloss bago umalis.

Dahil mag-isa lang ako sa condo, sa university na ko nagb'breakfast. Nagtatrabaho ang Mom at Dad ko sa Greece kaya naiwan ako dito. Ayoko namang mag-aral doon dahil ayokong aralin ang language nila doon. For sure matatagalan ako sa pagadapt.

One Last FallWhere stories live. Discover now