Chapter 9-Jerk

545 18 0
                                    

Pagkatapos ng huling subject ko ay nagtungo na kaagad ako sa gym.

"May exact date na ba ng MUAA?" Tanong ko kay Sab na katabi kong nagtatali ng sintas ng sapatos.

"3rd week of October" sagot nya

"Oh? 1 and a half month nalang pala preparation natin" ani ko at itinali ang buhok ko.

"Kaya yan" aniya at ngumisi

"Hey" tumingala ako at nakita si Diego.

Tumayo ako at tiningnan si Sab.

Oo nga pala.

"Sab si Diego pala. Diego si Sab captain namin" ani ko

"Ha? Ano to?" naguguluhang tanong ni Sab

"Pinapakilala ko lang sya" ani ko at tumawa

"Oh kilala ko na sya eh. Hi Diego!" Bati ni Sab at kinawayan si Diego. Ngumisi naman si Diego

"Hi" bati nya at nakipagkamay. Tiningnan ko sya at kumindat ito sakin.

Napailing nalang ako. Boys talaga.

"O paano una na muna ako" ani ni Sab at tinanguan si Diego. Kumunot naman ang noo nya at tiningnan ako at si Diego ulit bago sya umalis.

"Buti naman naalala mo" ani ni Diego

"Syempre ako pa" ani ko at ngumisi

"Don't forget our quiz tomorrow. Baka makalimutan mo dahil sa training" aniya

"Hindi naman siguro. Mag-aaral naman ako as soon as makauwi ako"

"Baka dahil sa MUAA mapabayaan mo studies mo" aniya habang nagdidribble ng bola

"Duh, hindi no. As if. Napagsabay ko nga last academic year eh" ani ko uminom ng tubig

"Just make sure of it. Sayang, dean's lister ka pa naman baka malaglag ka" aniya

I never told him that. But how come he knows about it?

"Bakit alam mo na kasama ako?" Tanong ko

"You're popular, Daph. Calvin's girlfriend, your long legs and your sexy brain" Kumunot ang noo ko. Ganoon ba ang tingin nila sakin?

"What the heck?" Bulalas ko, laglag ang panga.

"That's why I advice you to wear longer shorts than what you always wear" binaba nya ang tingin sa shorts ko at napailing.

"Whatever" binalewala ko nalang. Hindi naman kasi iyon maiiwasan. What important is di ako napapahamak. Subukan lang nila naku! Gagawin ko silang bola!

"So being fantasized by men is okay with you?" tumigil sya sa pagdidribble, nakakunot na ang noo nya at madilim na ang mata.

"Hindi naman nila ako makukuha. I don't mind" ngisi ko bago sya iniwan doon.

Mainit na naman ulo nya. Ano ba kasing pakialam nya? We're just freakin friends for shit's sake. Besides, I'm no longer a kid para pagbawalan nya. I can handle myself.

Nagsimula na kaming magtraining. This time si Coach na ang nagtitrain samin hindi tulad dati na si Sab lang.

"Mercado out, Herrera in" si Coach. Tinanguan ako ni Sab at hinihingal syang umupo sa bleachers.

Pumwesto ako at hinintay na iserve ng kabilang team ang bola.

Paglipad palang ng bola sa ere ay kumuha na ko ng tyempo. I tossed the ball upward and I let my teammate in front of me to spike the ball towards the other side of the net.

One Last FallWhere stories live. Discover now