Chapter 34-Dancers

462 11 0
                                    

"So anong name nyo?" Tanong ni Rachel habang may hawak na baso ng whiskey. Kakatapos lang magsasayaw ng mga kinuha ni Sab na macho dancers. Halos matulala kami kanina sa kagwapuhan nila lalo na sa mga abs nila. Ang lalambot pa nilang sumayaw! Tuwang tuwa kami dahil tili ng tili si Mia nang sayawan sya mga ito. Mimumura mura nya kami.

"Flint" kumindat yung lalaking nasa kaliwa. "Tapos si Neil at Kyle" tinuro nya yung nasa gitna at yung sa bandang kanan. Si Kyle yung pinakagwapo sakanila.

"Omg! Ang gugwapo nyo!" Tili ni Mia at nilingon si Sab. "Saan mo ba sila nakuha?"

"Secret" kumindat pa si Sab bago tumawa "Bruha wag ka ng magtanong, ikakasal ka na sa linggo! Dalawang araw nalang oh. Malalagot ako nito kay Miko"

"Nagtatanong lang eh" ngumuso sya bago ako tiningnan at pumalakpak.

"Tamang tama!" Aniya habang abot tenga ang ngiti

"Ano na naman?" Nakangiwi kong tanong. Ano na namang binabalak nya? Kapag talaga si Mia ang nag-isip delikado. Kung ano-ano ang nasa utak.

"Boys, single sya!" Tinuro ako ni Mia at pumalakpak, sumunod naman ang kantyawan nila Ari

"Sino ba sa amin ang type mo?" nakangising tanong ni Neil, nakatayo parin silang tatlo sa harap namin.

"Wala!" Sumimangot ako at nagsitawanan naman sila. Tiningnan ko naman si Kyle at diretso lang ang tingin nya sakin, nakangisi.

"Come on girl. Sino ba?" Tinaas baba ni Sab ang kilay nya.

What the hell?

"Wait, alam ko na" tumayo si Ari at kumunot ang noo ko nang hatakin nya si Kyle palapit sakin. Nagsitilian ang mga girls kaya mas lalong kumunot ang noo ko at namula sa kahihiyan.

Damn you, Ari!

"Siya ang type mo diba? Sayawan mo naman Kyle!" Tumawa si Ari at mas lumaki ang ngisi ni Kyle at humilig palapit sa mukha ko. Napaatras ako dahil sa lapit ng mukha nya.

"What's your name beautiful lady?" Kumindat sya na dahilan ng mas lalong pagpula ng mukha ko at tilian ng mga girls. Fuck! Ang gwapo nya sa malapitan!

"Go na girl! Minsan lang to!" Pagcheer pa ni Mia kaya napailing nalang ako. Kapag nalaman ng boys ang pinaggagawa namin paniguradong lagot kami.

Binalingan ko si Kyle at sinagot ang tanong nya. "Daphne" ngumiti ako at nakisakay nalang sa trip nila. Mabuti nalang at hindi ako sinayawan ni Kyle, tinabihan lang actually at nagkwentuhan na rin.

"Single ka ba talaga?" Tanong nya, may suot na rin siya sa wakas ng sandong itim.

"Yeah" sagot ko, tipsy na rin dahil nakarami na ko ng shot ng whiskey.

"Bakit? I mean sa ganda mong 'yan" napahagalpak ako ng tawa sa pambobola nya.

"Nambola ka pa. Ayoko kasi, natrauma na ko" ngumiti ako ng tipid

"Oh, hindi pwedeng pag-usapan?" Tumango ako

"So macho dancer talaga kayo?" Tumawa sya at umiling.

"Kaibigan namin si Sab, natalo kami sa pustahan namin sakanya tapos ito ang pinagawa nya samin",

Kaibigan ni Sab? May gwapo syang kaibigan? Bakit hindi ko alam?

"Akala ko macho dancers talaga kayo eh" natatawang sabi ko.

"No, engineer ako actually" binaba ko ang baso ko.

"Talaga?" Tumango sya at ngumiti.

Madaling araw na rin nang umalis sila. Kami namang girls ay tuloy parin sa kwentuhan at inuman. Naunang nakatulog si Ari tapos sumunod si Rachel at Sab. Si Mia papikit pikit na rin. Malakas kasi silang uminom habang pakonti konti lang ako.

One Last FallWhere stories live. Discover now