Chapter 10-Bribe

509 15 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni Diego. I admit, nagiguilty ako dahil ang babaw ko. Pero I just can't talk to him, not yet. Naaalala ko lang sakanya si Calvin. He wants me to move on from him pero bakit nya ginagawa ang ginawa ni Calvin?

It's last day of this week. Unlike other students na maglilibot o magpaparty, ako diretso uwi lang. If only, I have girl bestfriend who can accompany me. Bumuntong hininga ako.

"Uuwi ka na ba nyan?" Tanong ni Sab habang nasa likuran ko.

"Yup" sagot ko at itinupi ang ginamit kong damit kanina sa training.

"Ang boring naman ng life mo. It's friday! You should go out and get wasted!" Aniya.

Hindi ako sumagot, hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko.

"Wanna join us? Bar later" tanong nya

"Uuwi nalang siguro ako" sabay ngiti ko.

Hindi ko naman kakilala ang mga kaibigan nya, ayokong makisiksik. Hindi pa naman ako magaling makipagkaibigan.

"Sumama ka na! Para naman magenjoy ka" aniya at umakla pa sa braso ko.

"Okay na ko sa condo ko. I'm happy as long as I have my foods" ani ko at ngumiti to convince her.

"Are you sure?" Tanong nya at ngumuso, tumango naman ako.

"Alright. Mauuna na ko. Ingat" paalam nya

"Ingat" wika ko at nilagay ang mga gamit ko sa bag ko.

Sinuklay ko muna ang basa kong buhok bago lumabas.

"Uy Daph!" bati ni Miko at nilapitan ako. Nasa likuran nya sila Justine and yeah, Diego. Nakatingin ito sakin pero nang magtama ang tingin namin umiwas sya ng tingin.

"Hi" bati ko at nginitian sila

"Kumusta? Hindi ka na nakakasama samin kapag lunch break" ani ni Miko. Hindi ako nakasagot. Hindi ba nila alam? Should I tell them that me and Diego fought and we're not in good terms?

"Busy kasi eh" palusot ko at tipid na ngumiti.

"Saan nyan punta mo?" Tanong ni Keith. Napansin ko sa gilid ng mata ko ang pag-angat ng tingin sakin ni Diego. Tumaas ang isang kilay ko at tumikhim.

"Uuwi na" sagot ko

"Tamang tama! Sama ka na samin!" Ani ni Brian

"Ha? Saan?" kunot-noong tanong ko

"Plano naming magpunta ng The Fort para magbar" sagot niya at ngumisi pa.

"I've never been into a bar eh. Tsaka di ako umiinom" ani ko dahil hindi naman talaga uso sakin ang nightlife. I'm not like other people na super involved sa nightlife na halos every friday ay nasa bar umiinom at sumasayaw.

"Edi maganda! Para matuto ka ng magbar!" Ani ni Miko at inakbayan pa ko. Naalala ko tuloy ang nililigawan nya.

"Sama ka na. Kasama naman si Ariane at Mia eh" si Justine na katabi si Diego kaya hindi ko maiwasang mapasulyap din kay Diego.

"Who's Ariane and Mia?" Tanong ko

"Si Mia yung nililigawan ni Miko and Ariane is... is"

"Is what?" Inip na tanong ko kay Justine. Nakangisi sila Keith habang hinihintay rin ang sagot ni Justine.

"My friend" aniya

"Whoaaa! Friend!" asar nila Miko ay nagtawanan pa.

"Ha? Really?" Tanong ko at ngumisi nang maintindihan iyon.

One Last FallWhere stories live. Discover now