Chapter 21-Hug

468 14 1
                                    

Gumulong ako sa kama ko at bumuntong hininga. Kakauwi lang namin kagabi at ngayon lang ako nagising dahil sa pagod. It's the 1st day of November today, dadalaw lang ako sandali sa puntod ng lola't lolo ko mamaya at pagkatapos ay uuwi na. Wala rin naman akong makakasama doon dahil nasa ibang bansa ang mga relatives namin. At bukas naman ang simula ng enrollment for second semester pero dahil tinatamad pa ko ay sa susunod na araw nalang siguro.

Kahit tinatamad ay tumayo na ko at naligo dahil tanghali na. Habang nagsusuklay ng buhok ay tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Umitim ako pero hindi gaano, sakto lang at bagay ko naman. Naglagay ako ng liptint at umalis na kaagad. Sumakay ako ng taxi papunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang grandparents ko. As usual, maraming tao at marami ring nagtitinda ng kandila at bulaklak sa labas ng sementeryo. I bought two candles na may lalagyan para hindi mamatay ang apoy mamaya, bumili rin ako ng mga bulaklak at posporo. Pumasok na ko  sementeryo at naglakad patungo sa museleyo ng lola't lolo ko. Pinagawa iyon ng Tita ko, kapatid ni Mommy. Sinindian ko ang mga kandila at nilapag ang mga bulaklak sa gitna bago pumikit at nagdasal. I stayed there for an hour while watching the people and I can't help but envy them. They're complete with their relatives while I'm here, alone. Being here made me feel lonely and as I roamed my eyes around, I noticed that I'm the only lonely person here.

Kaysa sa magdrama pa ay umalis nalang ako para maglibot. Namili nalang ako ng damit ko at kumain. Nagpasya rin ako na manood ng sine. I'll treat myself today at ito ang unang beses na gagawin ko ito sa sarili ko.  Bago pa man ako bumili ng ticket ay tumunog na ang phone ko. It's Diego.

"Where are you?" Bungad nya

"Mall. Why?" Tanong ko. Tumabi muna ako saglit habang hindi pa bumibili ng ticket.

"I just came from my grandparents' grave. Where are you exactly? I'm at the mall's parking lot"

"Sa may bilihan ng tickets ng sinehan" sagot ko

"Wait for me" aniya at binaba na ang tawag. Sumandal ako sa wall at hinintay sya. Wala pang limang minuto ay natanaw ko na sya na naglalakad patungo sakin. Tumuwid ako ng tayo at lumapit din.

"You're gonna watch a movie?" Tanong nya

"Obviously. Bakit ka ba nandito? Paano mo nalaman na nasa mall ako?" Tanong ko

"We ate with our relatives here. Pupunta sana ako sa condo mo pero nandito ka pala. Kumain ka na?"

"Yup. Ano? Sama kang manood?" Tanong ko

"Yeah" sagot nya. I told him the movie that I want to watch at hinintay syang makabili ng ticket. Horror movie ang panonoorin namin. He bought popcorn tsaka softdrinks for us. Madilim nang papasok kami kaya kumapit ako sa braso nya.

"Where do you want to sit?" Tanong nya habang nakatayo kami sa gilid.

"Sa taas" sagot ko kaya doon kami sa taas umupo. Mabuti nalang at maaga pa kaya marami pang bakanteng upuan. Nilagay ko ang inumin ko sa lalagyan.

"Sinong grandparents mo ang dinalaw mo?" Tanong ko

"Dad's parents. Ikaw? May pinuntahan ka?" Tanong nya, nasa akin ang tingin dahil hindi pa nagsisimula ang palabas.

"Yeah... parents ni Mommy. Sandali lang ako doon dahil mag-isa lang ako"

"You should've called me" kumunot ang noo ko at umiling.

"Ayokong makaistorbo sayo" ani ko at hindi na nagsalita nang magsimula na ang palabas. Noong una okay pa ang palabas pero kinalaunan ay nakakatakot na ang mga scenes. May nagpapakita na kasing multo kaya napapatili ako sa gulat habang ang katabi ko naman ay tinatawanan pa ko.

One Last FallWhere stories live. Discover now