Chapter 17-Cave

498 12 0
                                    

Paggising ko kinabukasan ay tulog parin ang dalawa. Naghilamos muna ako bago buksan ang laptop ko para icheck kung nagreply na ba si Mommy pero wala parin. Kinagat ko ang labi ko at nagtype ng panibagong message.

Good Morning Mom! Greet Dad a good morning for me :) Is everything okay? You're not replying. Are you busy and Dad? Please reply as soon as you read this. I love you both :*

Bumaling ako sa pinto nang makarinig ng katok. Tumayo ako para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas nito. Nginitian ko si Lola Carms at bumeso.

"Good Morning po" bati ko

"Good Morning din, Hija. Bumaba na kayo at magalmusal" nanlaki ang mata ko dahil sa hiya. Inimbita nya pa talaga kami ng personal! Nakakahiya naman.

"Naku! Nag-abala pa po kayong pumunta dito. Sana nagutos nalang po kayo" wika ko at nahihiyang ngumiti.

"Gusto kong ako mismo ang mag-aya sa inyo. Bumaba na kayo at paniguradong nagugutom na kayo"

"Sige po, gisingin ko lang po sila"

"O sya sige. Hihintayin nalang namin kayo sa baba" aniya bago tuluyang umalis.

Sinarado ko ulit ang pintuan bago gisingin ang dalawa. Mga tulog mantika. 

"Five more minutes please" bulong ni Ari

"Get up now. Lola Carms is waiting for us downstairs. Nakakahiya naman at sya pa ang pumunta mismo dito para ayain tayong kumain" hinila ko ang mga comforters nila para tuluyan silang magising. Sumimangot si Mia at umupo habang si Ari ay nagpagulong gulong pa sa kama. 

Naunang tumayo si Mia para maghilamos habang si Ari ay tulala. Halatang inaantok parin. Nang matapos sila sa pag-aayos ay bumaba na kami. Nadatnan namin na kumpleto na sila sa baba at kami nalang ang hinihintay. Mas lalo akong nahiya kay Lola Carms at Lolo Gene. 

"Sorry po pinaghintay namin kayo" paumanhin ni Mia at bahagya pang yumuko dahil din siguro sa hiya. I'm sure she's now regretting she didn't wake up early. 

"Okay lang, Hija" sagot ni Lola Carms at ngumiti. She's really beautiful with her old age. "Kumain na tayo"

Tahimik lang kaming kumakain dahil siguro inaantok pa sila.

"Do you have plans for today?" Nilingon namin si Lolo Gene nang magsalita ito. SIya ang unang bumasag sa katahimikan. 

"Yes po. Napagusapan na po namin kahapon" sagot ni Mia.

"So where are you going for today?" Tanong ni Lola Carms. My smile grew wider when I recalled our plan for today. We're going to swim!

"Sa Caramoan po!" Ako na ang sumagot dahil sa tuwa. I heard na maganda daw ang Caramoan that's why I'm so excited to see it. Excited na rin akong magswimsuit at lumangoy!

"Maganda nga doon"

"Sama po kayo" ani ni Brian

"Dito nalang kami. Matanda na kami" Lola Carms said in between her chuckle. 

Sumulyap ako kay Diego na kaharap ko lang. Kanina pa sya tahimik at kumakain lang, which is very unusual for me kasi madalas nya kong asarin. Mariin ko syang tiningnan at sinipa ko ang paa nya sa ilalim ng lamesa dahilan para lingunin nya ko.

"Why are you so silent?" Taas kilay kong tanong. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Baka inaantok din?

Pagkatapos naming kumain ay nagsibalikan kami sa kanya-kanyang kwarto para maghanda.

Nauna akong naligo at nagbihis into white two-piece swimsuit na pinatungan ko ng white sleeveless tank top at high-waisted maong shorts.

"Boobs mo girl. Inggit ako" tumawa ako nang ngumuso sya habang nakatingin sa gitna ng dibdib ko. Tinakpan ko 'yun at mas lalong tumawa.

One Last FallNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ