Chapter 23-Mom

429 15 1
                                    

"Good Morning" bulong ko at niyakap si Snow, ginalaw nya naman ang buntot nya at lumapit sakin. She licked my face as a response. Tumayo ako at naghilamos, paglabas ko ng kwarto ay nakasunod na sakin si Snow. Ibabalita ko sana kay Mommy si Snow kaso kahit kagabi ay hindi parin sya nagoonline o kahit man lang nagreply sa messages ko.

"Snow, what do you think? Bakit kaya hindi nagoonline si Mommy?" Good thing at andyan si Snow, may kausap ako. Tumahol sya at dinilaan ang paa ko. I guess she's telling me a good thing?

Dahil tinatamad akong magluto ng breakfast, cup noodles nalang ang kinain ko. Bago maligo ay nilagyan ko muna ng dog food ang bowl ni Snow at tubig ang isa pa. Ngayon kami mage-enroll ni Diego kaya medyo napaaga ako ng gising.

"Iwan muna kita baby ha?" Yumuko ako "Behave, don't break things. And please tipirin mo ang pagkain mo" ani ko dahil yung binigay ko sakanya kanina ay ubos na at kahit kahapon ko lang sya nakasama, napansin ko na agad na matakaw sya. Agad nyang nauubos ang pagkain nya.

Tumahol sya pero mahina lang kaya napangiti ako sa kacutan nya. Tumahol ulit sya nang tumunog ang door bell. Binuksan ko 'yun habang nakasunod sa likuran ko si Snow.

"Hi Snow" yumuko si Diego at hinaplos ang balahibo nya.

"Tara na ba?" Tanong ko

"Yup" sagot nya. Bumuntong hininga naman ako at lumapit kay Snow. I don't want to leave her alone here. Panigurado malulungkot sya.

I hugged her tsaka hinalikan ang balahibo bago lumabas ng unit ko. Nagiisip pa ko ngayon kung kanino ko sya iiwan kapag may pasok ako, hindi naman kasi pwedeng mag-isa lang sya buong araw. I'm worried baka mapano sya o kaya ay may masira sya.

"You can't leave her always" ani ni Diego. After my 'thank you' kiss last night, nothing's change. I'm glad.

"I know. Hindi ko naman kasi kaclose mga kapitbahay ko kaya 'di ko sya maiiwan sakanila"

"But you're close with the guard right?" Aniya

"Pwede rin. Bayaran ko nalang if ever" nagkibit balikat ako, or might as well hire a dog sitter? May ganoon ba?

Pumasok na ko sa front seat at binuksan kaagad ang aircon.

"Kumain ka na?" Tanong nya

"Yeah" sagot ko at naalala ang cup noodles na kinain ko.

"What did you eat?" Oh damn! Baka gumana na naman pagiging health conscious nya!

"Uhm tuna" sagot ko habang ang tingin ay nasa kalsada para hindi nya mapansin na nagsisinungaling ako. Hindi nya naman siguro mahahalata diba?

"Really?"

"Yup!" Sagot ko trying to make myself sound jolly para hindi nya mahalata na kinakabahan na ko sa pagtatanong nya.

"Pero amoy noodles ang unit mo" mabilis ko syang nilingon. Pati ba naman 'yun napansin nya? Hindi talaga ako makakatakas sakanya no?

"Oo na"inirapan ko sya. "Cup noodles kinain ko. Baka kasi magalit ka na naman" ngumuso ako at bumuntong hininga.

"Let's get you something to eat first. Magugutom ka agad mamaya dahil 'yun lang ang kinain mo" hinayaan ko nalang sya, libre nya naman eh.

"Sa mcdo nalang tayo kumain, I'm craving for their chicken ala king"

"Sure" sagot nya.

We stopped in the nearest Mcdo branch para kumain. Tinulungan ko syang umorder dahil hindi nya alam ang mga pagkain doon. Palibhasa puro restaurants alam kainan.

"Try the chicken fillet sandwich" ani ko dahil kanina pa sya nakatingin sa menu pero wala paring napipili.

"Okay" aniya

One Last FallWhere stories live. Discover now