Chapter 39-Romantically

614 15 0
                                    

"Bukas nalang tayo mag-usap. I'm tired" nilagpasan ko sya at hinubad ang face mask ko habang papalabas ng OR. Tinapon ko ang face mask at naghugas ng kamay. He did the same thing while looking at me. Iniwan ko sya pagkatapos ko.

"Daphne" hinawakan nya ang braso ko para patigilin ako. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon sya.

"Please? Bukas nalang" my eyes are pleading. Hindi pa ko handa. What if nararamdaman nya pala na may gusto ako sakanya? Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali. Hindi ko rin alam ang sasabihin. Tsaka natatakot ako kapag sinabi nyang gusto nya si Denise. I'm so scared.

"Tomorrow" tumango ako. "Come on, I'll drive you home" dumaan muna ako sa office ko para kunin ang mga gamit ko, paglabas ko ay naghihintay sya. Umayos sya ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader.

Hindi kami nagsalita at sumakay ng elevator.

Now I'm sure he knows that something is wrong to me.

"Thanks" wika ko at hindi ko alam kung hahalik ba ko sa pisngi nya o hindi, sa huli hindi ko ginawa. "G-good night" binuksan ko ang pinto at akmang bababa na nang hilain nya ko pabalik. Matagal kaming nagkatitigan bago ako umiwas ng tingin.

"Stop overthinking. Matulog ka agad. Good night" he leaned closer to me and kissed my forehead. Humigpit ang kapit ko sa bag ko dahil sa ginawa nya. Yumuko ako at mariing pumikit.

"Una na ko" walang lingon lingon akong bumaba ng kotse nya. Pumasok na ko sa loob ng bahay at nagtungo sa kwarto ko.

"Anak" ginalaw ko ang kamay ko at tinanggal ang unan na nakaharang sa mukha ko.

"Anak" minulat ko ang mata ko at nilingon si Mommy

"Yes, Mom?" Paos na tanong ko

"Pwede bang ikaw muna ang maggrocery? Wala na tayong stock ng pagkain. Maaga ako sa restaurant ngayon"

"Sige po. Just put the list on the table"

"Okay, I'll go ahead. Take care" hinalikan nya ko sa pisngi

"Take care" wika ko at niyakap ang malambot kong unan.

I woke up again at 9 am. Naligo na ako kaagad and decided to just eat breakfast outside.

"Hindi ka ba papatulong kay Diego? Baka mabigatan ka" tanong ni Ate Riza nang sabihin kong ako ang mag-g'grocery.

"Hindi na po. I'll take a cab nalang" inabot ko sakanya si Snow.

"Una na ko, Ate" nilagay ko ang listahan sa bag ko at lumabas na kung saan naghihintay ang driver, nagbook kasi ako kanina.

Kumain muna ako sa isang French Restaurant bago maglibot sa mga boutique shop. Matagal na rin nang huli akong bumili ng damit. Sobrang busy ko na kasi dahil sa trabaho.
Pumasok ako sa isang sikat na clothing line at tumingin ng mga magagandang damit.

"Bagay po sa inyo to, Ma'am"nginitian ko yung saleslady at kinuha ang tinuro nyang white blouse at black skirt.

Isinukat ko iyon sa fitting room at nagustuhan. Bumili na rin ako ng isang dress af lumabas na ng boutique para maggrocery. Bago maggrocery ay dumaan muna ako sa Baskin Robbins para bumili ng ice cream. Kumunot ang noo ko sa mga nakakumpol na tao. Babalewalain ko na sana kung wala lang sumigaw.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

Tiningnan ko ang ice cream ko at iniwan nalang para makalapit.

Nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang sa makarating ako sa gitna. May matandang lalaki na walang malay at nakahiga sa sahig.

"What happen?" Binaba ko ang hawak kong paper bag at lumuhod. Chineck ko ang pulso ng lalaki sa wrist nya pero wala akong nakapa.

"Bigla nalang syang nawalan ng malay at hindu na rin sya humihinga" sagot ng matandang babae, asawa siguro ng lalaki.

One Last FallWhere stories live. Discover now