Chapter 15- Travel

517 11 0
                                    

"You really came" wika ko at umupo kaharap sya. Diego is sitting on a chair na nasa gilid ng kama ko. Nakakapasok na sya sa condo ko ng malaya dahil sinabi ko sakanya ang passcode para sa tuwing manggugulo sya ay hindi ko na kailangan gumising para lang pagbuksan sya ng pinto.

"I told you" nagkibit balikat sya

"You looked horrible" ngumiwi pa ito. Inirapan ko sya at binato sakanya ang unan ko. Nanggugulo na nga nanglalait pa. Naku! Kungdi nya lang ako dinamayan kagabi nasapak ko na sya.

"I'm hungry. Nagdala ka ba ng pagkain?" Tanong ko

"No, I cooked for you. Stand up and fix yourself" utos nya at lumabas na ng kwarto ko.

Sinunod ko ang sinabi nya, tumayo ako at naghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Hindi na gaanong maga ang mga mata ko. Mabuti nalang at nakatulog ako kaagad kagabi. Pagod na pagod talaga siguro ang katawan ko kahapon para umiyak pa.

Pagkatapos magsuklay ay lumabas na ko ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko sa nakitang backpack na nakapatong sa sofa.

"What's with the bag? May balak ka bang magbakasyon dito sa condo ko?" Tanong ko

"Stupid. We're going somewhere. I can't let you spend your whole sembreak here alone" napangiwi ako doon. Aalis kami? Wala man lang pahinga? Ngayon palang ako makakapagpahinga from the training!

"What? Pwedeng ikaw nalang? Ayoko, I have to rest" wika ko. Dalawang buwan ang matinding training namin sa volleyball. I deserve a rest.

"No, you're coming with me. The whole gang is expecting you"

"Whole gang? You mean? The guys, Ari and Mia?" Tanong ko

"Yup. We have to enjoy our sembreak, Daph"

"Kailan alis natin and saan?"

"We're going to my grandparent's place at Camsur. Then, we'll see our friends later at 9 am" sagot nya at nilapag ang dalawang mug na may lamang kape sa table. Umupo ako at hinayaan syang ayusin ang table. Inaantok pa ko at tinatamad gumalaw.

"Are we going to ride a plane?" Tanong ko

"No, we'll travel by land. We'll use Keith's Dad's van. Eat now lady" naglagay ako ng fried rice sa plate ko at tiningnan ang mga ulam. Sausage, bacon, at sunny side up egg.

"Sino namang magdadrive? Ang layo"

"Salitan si Brian at Keith" sagot nya at umupo sa tapat ko.

After that conversation ay hindi na kami nagusap dahil na rin sa gutom ko. Wala ng natira sa niluto nya nang matapos akong kumain.

"You eat like a mad man" puna nya habang nakangisi pa, halatang nangaasar na naman.

"Whatever gutom ako" depensa ko at nagsimulang maghugas ng pinagkainan namin. Syempre siya na ang nagluto kaya dapat ang na ako ang maghugas.

"Help me with my things" wika ko at pumasok sa kwarto ko.

Kinuha ko ang luggage na nasa taas ng cabinet ko at tinanggal yung plastic. Tinulungan nya ko sa pagiimpake ng mga gamit ko. Ilang beses nya ring nilait at pinahiya ako sa sarili ko tuwing mahahagilap nya ang mga tinutupi kong undergarments.

"Ang laki ng bra mo? Malaki ba talaga yan? Akala ko foam" kumunot ang noo ko at hinampas sya ng belt na nasa gilid ko. Dumaing sya nang tumama ang bakal sa braso nya.

"Walangya ka. Totoo tong boobs ko at mas lalong hindi to foam" inirapan ko sya habang sya ay tatawa-tawa lang.

"May island doon diba? I'll bring swimsuits!" Excited akong tumayo at kinuha ang mga two-piece swimsuits ko. Mabuti talaga at pinapadalan ako ni Mommy ng two piece which is hindi alam ni Daddy. Panigurado masesermonan kami ni Mommy once he finds out.

One Last FallUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum