Chapter 27-Shiver

469 13 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang?" Hindi pa man kami nakakapasok ay tinanong na kaagad ako ni Mommy na nakaabang sa living room.

"May training po eh. Napatagal" pagsisinungaling ko kahit na ayoko. White lie naman eh. Ayoko lang syang mag-alala. Marami na syang inaalala at ayoko ng dagdagan pa.

"Buti naman at kasama mo si Diego. Pasok na kayo" ngumiti si Mommy at hinila si Diego. Sabi ko nga sya ang anak hindi ako.

Sinara ko ang pintuan at sumunod sakanila. Napangiti ako nang salubungin ako ni Snow.

"Nagluto ako, Diego. Kain ka"

Yumuko ako at hinalikan si Snow "Buti ka pa. Ako lang ang Mommy mo ah? Wag kang kakampi kay Diego hindi mo na sya Daddy" bulong ko. Napangiti ako nang tumahol sya.

"Good girl" tumuwid ako ng tayo. Ako na ang nagimbita sa sarili ko na kumain tutal hindi naman ako niyaya ni Mommy.

"Mabuti naman at bati na kayo" nilagyan ni Mommy ng kanin at ulam ang pinggan namin ni Diego.

"Makikipagbati sana ako kaninang umaga kaso ang sungit nya" ani ko at sinimangutan si Diego. "Ano ba kasing kinakatopak mo dyan?"

"Nothing" sagot nya

"Naku! Pag-usapan nyo nga yan mamaya" tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Talaga" ani ko at pinanlakihan ng mata si Diego.

Diego made our dinner different from the other nights. Naging magaan and I'm thankful dahil kahit papano ay napagaan nya ang loob ni Mommy.

"I will leave you two here. Kayo ng bahala" paalam ni Mommy bago pumasok sa kwarto.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan" tumayo ako at nilagay ang mga plato at baso sa sink.

"I'll help you" tumabi sya sakin.

"Ako na magsasabon tapos ikaw na magbanlaw"

"Yeah, sure" nilingon ko sya nang maalala na dapat kaming mag-usap.

"Nga pala, yung tanong ko" ani ko

"What is it?" Kinuha ko yung baso at sinabunan.

"Bakit ka tinotopak kanina?" Binaba ko yung baso at tiningnan sya. "Yung totoo please"

He sighed at binanlawan yung baso.

"I'm jealous... " tinaasan ko sya ng kilay. "Sa ilang araw lang ay may bago ka ng kaibigan" Oo nga naman... kaibigan. Ano bang pumasok sa utak ko? Ngumisi ako at nilagyan ng sabon ang pisngi nya.

"Hey!" Suway nya pero tumawa lang ako.

"He's not my friend. And kung maging kaibigan ko man sya ikaw lang naman ang guy bestfriend ko" tumingkayad ako at inakbayan sya "Kaya wag ka ng magselos"

"Oo na! Alis na dyan, ang bigat ng braso mo" tinanggal nya ang kamay ko kaya nagsabon nalang ulit ako ng mga pinggan.

"Yung research natin sa weekend nalang natin pag-usapan" ani ko

"Sure. Dito nalang?" Tanong nya

"Yup. Tapos magdala ka rin ng foods ah?"

"Mukhang pagkain" ngumiti ako habang sya ay napailing nalang.

Tumambay kami sa living room pagkatapos naming maghugas ng pinggan.

"May training kayo bukas?" Tanong nya

"Yup" sagot ko habang nakatutok ang mata sa laptop. I'm busy checking my news feed habang sya ay nilalaro si Snow.

"Hintayin kita" kumunot ang noo ko at nilingon sya.

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon