Chapter 3-Close

734 19 0
                                    

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Irita kong tanong pagbukas ko ng pintuan. Wala akong pakialam kung mukha akong sabog sa harap nya ngayon.

Nagising kasi ako sa sunod sunod na pagring ng doorbell. Hindi man lang ako nakapaghilamos man lang.

"Nakakabored eh" aniya at nilagpasan ako at umupo sa sofa. Isang beses palang sya nakapunta dito pero pakiramdam nya bahay nya to kung makaasta.

Sinarado ko ang pinto at sinundan sya

"Nice shirt ah" aniya

Nanlaki ang mata ko at tiningnan ang suot kong shirt. Mababa ang neckline nito kaya kita ang cleavage ko. Buisit talaga tong Diego na to.

"Perv" inirapan ko sya at pumasok sa kwarto ko para maghilamos at magbihis.

Paglabas ko ay pinalayas ko sya sa sofa at humiga ako doon. Kinulang ako ng tulog dahil kay Calvin ulit.

"Hindi ka pa nagb'breakfast?" Tanong nya

"Di ba obvious?" Tinatamad na tanong ko at tinakpan ang mukha ko ng unan.

All I want to do is sleep. Sleep for the whole day.

"Hey, gising. Kumain ka na" nilayo ko ang unan mula as mukha at umupo. Nakatulog pala ako sa sofa.

"Anong oras ka ba natulog?" Tanong nya

"4 am" sagot ko at tumayo. Umupo ako sa highchair at tiningnan isa-isa ang mga niluto nya. Sunny side up eggs, bacons, hotdogs and garlic rice. Masarap pero dahil inaantok ako wala akong gana.

"Umiyak ka na naman ba kaya ka napuyat?" Tanong nya. Hindi ako sumagot, alam nya na siguro iyon.

"Ako na maghuhugas ng mga pinggan matulog ka na ulit" aniya pagkatapos naming kumain. Kaunti lang naman ang kinain ko, kasi nga inaantok ako at walang gana.

"Sure ka?" tanong ko. Hindi na ko mahihiya pa sakanya. Siya tong nambulabog eh.

"Yup, dali bago pa magbago isip ko" aniya at tinulak ako.

Bumalik ako sa sofa at natulog ulit.

Nagising ako na 2 pm na. Mahaba ang tulog ko pero nanlalambot parin ang katawan ko. I eyed Diego na nakaupo sa single sofa, nanonood.

"Kumain ka na?" Tanong ko

"Di pa" sagot nya

"O bakit di ka nagluto?" Tanong ko

Nagkibit balikat naman sya bilang sagot.

"Wala ka bang gagawin? Bakit nandito ka pa?" Tanong ko. May bahay naman sila, bakit ako ang ginugulo nya?

"Wala lang. Patambay lang, masama?" Tanong nya

Inirapan ko naman sya at pumasok ng banyo para maligo na. Suot ko ang bathrobe ko paglabas ko. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Pagbalik ko sa sala nadatnan ko syang gamit gamit ang phone ko.

"Kaya pala di ka makamove on puno pala ng pictures nyo ni Calvin ang phone mo" aniya

"Tsk bakit mo ba kasi yan pinapakialamanan?" Tanong ko at inagaw ang phone ko.

"Walang passcode eh" aniya. Susunod talaga lalagyan ko na ng passcode. Pakialamero eh, hindi alam ang salitang privacy.

"Tara nga" aya ko dahil nagugutom na ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nya

"Sa baba. May resto sa labas" ani ko

Sumunod sya sakin at sinarado ko ang condo unit ko. Pagbaba namin ako na ang umorder.

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon