Chapter 13-Sister

490 16 2
                                    

Hindi pa nagsisimula ang game pero marami ng tao dito sa arena ng SEU.

"Malakas talaga pakiramdam ko na makakaabot tayo ng finals bukas" nakangisi si Sab habang sinasabi iyon. It's Thursday today and it's semi-finals. Ngayon malalaman kung sino ang maglalaban bukas for championship.

"Wag tayong masyadong confident" mahirap na baka hindi kami manalo today.

"Shit girls! Positive at 3 o'clock!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Erin at tumingin sa 3 o'clock ko.

Napangiwi ako nang malaman ang tinutukoy nya. Lalaki lang pala. Positive tawag nya sa mga gwapo para daw hindi halata. Kaya pala hindi sya sumasali sa usapan namin, busy sya sa paghahanap ng lalaki.

"Taga SEU kaya sya?" Tanong ni Sab, pareho na silang nakatingin doon sa lalaki habang ako naman ay busy sa pagtatali ng sintas ng sapatos ko.

"Aba ewan ko!" Sagot ni Erin

"Aren't you interested?" Tanong ni Sab sakin at nilingon ako. Umiling ako at umayos ng upo.

"I can't afford another heartbreak, Sab" Kakagaling ko lang sa heartbreak, sobrang tanga ko naman kung uulit ako diba? Speaking of Calvin, hindi ko na sya naiisip. Ngayon ko nalang sya naalala ulit dahil na rin siguro sa sobrang busy ko ay wala na kong oras para isipin pa sya. Tsaka I'm sure nagpapakasaya na yun sa ibang bansa.

"Bitter mo te. Di ba pwedeng titigan lang natin?" si Erin na hinampas pa ko.

"Eh.. sakanya hindi ka interesado?" Ngumiti ng makahulugan si Sab

"Ha? Kanino?" kunot-noong tanong ko, I don't know what she's talking about.

Ngumuso sa harapan si Sab kaya tumingin ako doon and I saw Diego na papalapit sa amin. Hindi ko alam pero bigla nalang umunit ang mukha ko habang tinitingnan si Diego na papalapit sa amin at huminto pa nang may nakitang kakilala. I find him hot with only his jershey shorts and v-neck shirt. His hair is damp pa, kakatapos lang sigurong magshower. He smiled at me nang matapos kausapin yung taga-SEU.

"Baliw!" Baling ko kila Sab na tinawanan lang ako.

Tumayo ako para lapitan si Diego at nginitian "You came!" Kakatapos lang ata ng practice nila at may game sila mamaya. He is a good basketball player! I watched his game yesterday and the day before yesterday and of course, they won!

"Yeah. Obviously" sagot nya at nagkibit balikat.

"I thought hindi ka na pupunta" wika ko at nilingon ang tilian mula sa crowd, obviously because of him. Mas lalong dumami ang nagkakagusto sakanya simula nang magsimula ang MUAA.

"Ikaw pa hindi ko pupuntahan? Malakas ka sakin eh" aniya at pinisil ang ilong ko. Hinawi ko iyon at inis na tiningnan sya.

"Kikiligin na ba dapat ako?" Taas kilay kong tanong

"Mukhang kinikilig ka naman ata. It's okay wag mong pigilan" hinampas ko sya sa braso at tinawanan nya lang ako.

"Herrera! Mamaya na landi dyan! Halika na!"

Napairap ako sa ere at nilingon si Coach "Di ako lumalandi!" Sigaw ko at tiningnan si Diego

"Upo ka na nga doon. Naiinis na ko sa pang-aasar nila satin" inirapan ko sya at pinatalim ang tingin kay Coach na nakatalikod na ngayon mula sakin.

"You should be glad, this is every girl's dream" ngumisi pa sya habang ako nama'y napataas ang isang kilay. Ito na naman ang kayabangan nya! Hindi matapos tapos.

"Well, I think you're mistaken. This is not my dream" ani ko at tinalikuran na sya para lapitan na si Coach. Mamaya sabihin nya na naman na naglalandi ako.

One Last FallWhere stories live. Discover now