Chapter 14-Ex

517 18 2
                                    

"Let's have a toast for winning!" nagsihiyawan sila at tinaas namin ang kanya-kanyang mga baso.

Nandito kami ngayon sa isang bar para icelebrate ang pagkapanalo namin kanina. Kahit pagod sa game ay wala na kaming nagawa ng sabihin ni Coach na magcecelebrate kami. It's the 19th winning of our university for the past 30 years. At isa pa, it's been three years since the last time we won kaya talagang nagcecelebrate kami ngayon.

"We really won!" malapad ang ngiti ni Sab nang sabihin nya ito. Kaming tatlo ang magkakatabi ngayon dito sa sofa.

"Akala ko nga hindi tayo mananalo eh" wika ko.

The game a few hours ago was a closed fight. Magaling ang GNU kaya nga sila ang mahigpit namin kalaban. Maging sa basketball ay GNU at HU ang nagtuos. Fortunately, we won in both sports.

"Tara sa dance floor!" wala na kong nagawa nang hatakin na nila ako.

Nagtawanan kami habang nagsasayawan. Lumakas ang hiyawan nang lalong sumigla ang kanta. Tumawa kami ni Sab nang sumayaw ng wild si Erin.

"Hey" kumunot ang noo ko nang may bumulong sa tenga ko. Nilingon ko ito at tipid na ngumiti.

"First time here? I haven't seen you before" tanong nya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko pero nagtagal ito sa dibdib ko.

"Yes" tipid na sagot ko at lumayo sa kanya ng kaunti at tiningnan si Sab at Erin na nakaharap sa DJ. Sinubukan kong bumalik ulit sa pagsasayaw pero hindi ako tinigilan ng lalaki.

"Hey lady, don't turn your back to me" nahimigan ko na ang inis sa boses nya. Pero ako dapat ang makaramdam ng inis dahil iniistorbo nya ko. Hinarap ko sya at matalim na tiningnan.

"You don't care if I turn my back to you. You're just a perverted jerk who tries to leech on girls" inirapan ko ito at akmang tatalikuran sya ngunit hinawakan nya ang braso ko.

Suminghap ako sa inis. Konti nalang at sasampalin ko na to, tingnan nalang natin kungdi mamaga ang mukha nya.

"Pwede ba. I'm not here to flirt with you" madiin na wika ko.

"You heard her bastard. Baka gusto mong gawin nyang bola ang mukha mo?" wala nang nagawa ang lalaki dahil sa sinabi ni Sab. Nginitian ko si Sab bilang pasasalamat.

'"Beware of guys like him" aniya. Lumapit sa amin si Erin na malapad ang ngiti.

"May positive. Lapitan ko lang" napailing nalang kami ni Sab kay Erin nang lumayo ito at nilapitan ang lalaking tinutukoy nya. Nagsayawan ang dalawa habang nagbubulungan. Di kalaunan ay may lumapit na rin kay Sab kaya mag-isa nalang akong nagsasayaw. It's fine naman lalo na't may nakakasayaw rin akong kateam ko. Inenjoy namin ang tugtog at nagtatalon. Natigil lang ako sa pagsasayaw nang may humawak sa balikat ko, I thought it's another jerk kaya hindi ko ito pinansin pero nang hindi nito tanggalin ang kamay sa balikat ko ay nilingon ko na. Bahagya pa kong nagulat nang makita kung sino ito.

"Britt" tipid akong ngumiti sa kaibigan ni Calvin.

"Can we talk?" pasigaw na tanong nya para marinig ko. Tumango ako at hinayaan sya na hilain ako palabas.

Lumabas kami at binitawan nya na ang kamay ko.

"So anong pag-uusapan natin?" tanong ko

"Did you see Calvin that day?" kumunot ang noo ko. Si Calvin lang ba ang pag-uusapan namin?

"That day? Kailan?"

"Noong nagkasalubong tayo. Tumuloy ka ba papuntang library?" iniwas ko ang tingin ko sakanya. I don't know what to do. Sasabihin ko ba ang totoo?

One Last FallWhere stories live. Discover now