Chapter 28-Off limits

461 14 0
                                    

"Mag-isip ka na ng topic!" Binato ko sya ng ballpen ko pero nakaiwas sya kahit na ang mata ay nakatuon sa phone nya. Kanina pa ata kami nakatunganga dito sa sala, ako nagiisip ng topic habang sya naman ay naglalaro lang sa phone nya.

"Wala akong maisip"

Inagaw ko ang phone nya "Ayan magisip ka na for sure may maiisip ka. Tanga ka ba? Makakaisip ka ba kung naglalaro ka?" Inirapan ko sya sa inis ko.

"Ikaw nga na walang hawak na phone hindi makaisip eh tapos ako pa sisisihin mo" tinaasan ko sya ng isang kilay at binato sakanya ang papel ko

"Anong tawag mo sa mga yan?" Nakasulat kasi sa papel ang mga naisip kong topic. 

"Wag nga kayong mag-away! Paano nyan ako makaaalis kung ganyan kayo? Baka pagdating ko nagpatayan na kayo" suway ni Mommy na kanina pa pala naririndi samin. Nakabihis na sya dahil pupunta sya sa lupa na nabili nya dahil sisimulan na ata ang construction ng restaurant. Hindi ko sya matutulungan ngayon dahil mukhang medyo matatagalan kami ni Diego sa ginagawa.

"Siya kasi! He's not helping puro laro-laro! Ddapat kasi hindi nalang sya ang kapartner ko" pinanliitan ko sya ng mata habang sya naman ay nakangisi lang.

"Wala kang choice" aniya at nagkibit balikat pa

"Wag na kayong mag-away at magusap kayo ng matino para may matapos kayo at para na rin makaalis na ko"

"Okay" bumuntong hininga ako nang tingnan ako ni Mommy "Okay din" sagot ko

"Good. Aalis na ko" tumayo ako at humalik sa pisngi nya.

"Ingat ka, Mom"

"Bye, Tita. Take care"

"Wag kayong magpapatayan ah? Babantayan kayo ni Snow" paalala ni Mommy bago isarado ang pinto.

Tiningnan ko si Diego, kaharap ko sya at nakaupo kami sa carpet. "Ano na? Mag-isip ka rin ng topic. I'm not satisfied sa mga naisip ko" ani ko

"Okay" sa wakas ay nagseryoso na rin sya. Nakaisip rin sya ng magandang topic kaya yun ang pinili namin. Hanggang chapter 1 muna ang ginawa namin dahil title defense palang naman. Gumawa sya ng mga tanong na tingin nya ay itatanong samin ng panel tapos ginagawan na rin nya ng sagot. Hapon na ng matapos kami. Hindi na nga kami nakapaglunch.

"Ako na magluluto" aniya at nagtungo sa kusina habang ako naman ay ine-edit ang mga nagawa namin. Mabilis lang syang nagluto dahil gutom na gutom na kami. Tumayo ako nang matapos sya at ako na ang nag-ayos sa dining table. 

"Adobo?" Tanong ko

"Para mabilis, gutom na ko eh" aniya

"Okay" umupo na ko at tahimik kaming kumain dahil nga gutom na kami. Masarap yung adobo nya pero syempre mas masarap yung luto ni Mommy. Masarap magluto si Mommy dahil nung college sya kumuha sya ng culinary arts bago kumuha ng business management. Sipag rin ni Mommy mag-aral eh.

"Wala na ba tayong gagawin?" Tanong nya

"Wala na why? May lakad ka?"

Tumango sya at binaba ang kutsara't tinidor, tapos na syang kumain eh "Maglalaro kami ng basketball"

"Kayo nila Miko?" Tanong ko

"Yes, kalaban namin ang mga pinsan ni Keith"

"Oh? Paano si Keith? Kalaban nyo?" Tanong ko

"No. Sa team namin sya" tumango nalang ako dahil hindi ko na rin naman alam ang sasabihin

"Do you want to watch?"

"Manonood ba sila Mia?" Tanong ko

"I don't know. Why don't you ask them?" Tumayo ako para kunin sa sala ang phone ko. Tinext ko si Mia at Ari and they both replied na sasama daw sila.

One Last FallDove le storie prendono vita. Scoprilo ora