Chapter 30-Janine's Birthday

430 14 0
                                    

After the ferris wheel ride we headed home immediately. Natulog ako the whole ride to calm my feelings.

"Kumusta date nyo?" Tanong ni Mommy paglabas ko ng room. Kakagising ko lang, it's Sunday. Mamayang dinner ang birthday ni Janine.

"It's not a date Mom. Namasyal lang po kami" ngumuso ako at umupo. Nilapag nya naman sa tapat ko ang mug na naglalaman ng coffee.

"Friendly date sinabi ko bang romantic date?" Taas kilay nyang tanong, halatang nangaasar.

"Mommy" suway ko pero tumawa lang sya.

"Oo na, namasyal lang kayo. So kumusta ang pamamasyal nyo?"

"Okay lang" matamlay na sagot ko.

"Okay lang? Pero bakit ganyan itsura mo? Hindi ka ba nagenjoy?"

"Nag-enjoy ako kaso" pinilig ko ang ulo ko. "Nah, never mind. Basta nagenjoy po ako. Siya rin po yung bumili doon sa malaking teddy bear"

"Perfect couple na sana kayo eh" bumuntong hininga ako

"Mom. We will never be. We don't love each other romantically" I wanted to laugh at myself. Really, Daph?

"How can you be so sure?" Kunot noong tanong nya.

"Nag-usap po kami kagabi about us. We're just really friends, Mom"

Mas lalong kumunot ang noo nya pero hindi na rin sya nagsalita pa.

Pagkatapos naming magbreakfast ay nagyaya syang magsimba kami sa Quiapo.

"Nakakamiss dito" aniya

"Mom, can I ask you something?"

"Ano yun?" Umupo kami sa bandang gitna. Hindi pa nagsisimula ang mass.

"Are you considering an annulment with him?" Sa tanong kong iyon parang nawalan sya ng kulay. I held her hand and gently squeezed it.

"Mom" umiwas sya ng tingin.

"K-kung gusto nya"

"Kayo po ang tinatanong ko, Mommy. Gusto mo ba?"

"A-ayoko" umiling sya. Bumuntong hininga ako. She still loves him so much.

"Hanggang ngayon po ba umaasa parin kayo?" Hindi ko maiwasang hindi mainis. She's already hurting pero bakit ayaw nya paring tumigil?

"Let's not just talk about this" tumungo ako at pumikit ng mariin.

Nagsimula na ang mass at pareho kaming tahimik. Ako dahil nakikinig sa mass, sya, alam kong iniisip nya ang sinabi ko kanina.

"Mom" hindi sya kumibo. Palabas na kami ng simbahan.

"Mom" this time mas malakas na ang boses ko.

"Y-yes?" Bumuntong hininga ako. She's obviously preoccupied.

"Do you want to eat somewhere?" Tanong ko

"Pwede bang umuwi nalang tayo? I'm tired"

Bigla akong naguilty. Nasira ko ang mood nya.

"Sige po" nagtaxi kami pauwi at buong byahe ay tulala sya.

Pagdating sa condo ay nagkulong sya sa kwarto. Tanging kasama ko lang ay si Snow.

I don't what to do kaya tinawagan ko si Diego, pinapunta ko sya.

"What happened?" Tanong nya pagbukas ko palang ng pinto.

"I feel guilty. I opened up annulment to her"

"You shouldn't have" umiling sya

"I know, that's why I'm guilty"

One Last FallWhere stories live. Discover now