Chapter 1-Break up

1.1K 19 4
                                    

"Here" aniya at inabutan ako ng bottled water.

Dinala nya ko sa cafeteria matapos kong umiyak. Basang basa na nga ang t-shirt nya but he seemed don't give a damn about it.

"Thank you" ani ko at umiwas ng tingin. Nahihiya ako na sya pa mismo ang nakakita sakin na ganon. Kung sino pa ang hindi ko kaclose sakanya pa talaga ako iiyak ng ganoon. Nakakahiya.

"Sorry dahil sakin di ka nakapasok ng first subject mo" ani ko

"Anong sorry? You owe me" aniya kaya nabaling ang tingin ko sakanya.

"H-huh?" Kunot noong tanong ko

"My shirt is obviously drenched right now from your tears so you have to pay me back" Aniya.

Napaawang ang bibig ko sa pagkapahiya. Seryoso ba sya? Ang yaman nya bakit sya nanghihingi ng bayad? Kung alam ko lang, sinarili ko nalang sana ang mga luha ko.

"Dahil dyan tutulungan mo ko sa mga activities. Magkaklase naman tayo" aniya

"Kilala mo ko?" Tanong ko kasi akala ko hindi nya ko kilala dahil nga never pa kaming nagusap.

"Oo. Ikaw ang girlfriend ni Calvin na hindi mo alam na ginagago ka lang. Mabuti nga at alam mo na" aniya habang umiiling pa. Kailangan ba talagang sabihin iyon? Pinapamukha nya lang lalo na tanga ako. Naiinis man ay tama naman sya.

"M-marami bang nakakaalam?" Tanong ko

"Everybody knows" aniya at sumandal pa. Pinatong nya ang kamay nya sa upuan at umiling iling habang pinapanood ako. Napayuko ako dahil sa hiya.

"Alam ko naman eh. Tanga lang talaga ako" bulong ko

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang hampasin nya ng malakas ang table. Mabuti nalang at kaunti lang ang nakakita dahil class hour nga. Ano bang problema nitong Diego na to? May saltik ba sya? Bigla nalang nanghahampas ng table.

"Buti alam mo. Yan ang problema sa inyo eh. Ramdam nyo na, ayaw nyo pang paniwalaan kaya kayo nasasaktan" aniya na nakakunot noo pa.

Di ko naman sya masisisi kasi yun yung totoo. May punto sya doon.

"Kalimutan mo na feelings mo. Ginagago ka na nga't iniiyakan mo pa. He doesn't deserve you" aniya. Madali para sakanyang sabihin iyon pero ang gawin iyon, mahirap. Mahal ko si Calvin.

"Then what do you want me to do?" Tanong ko dahil sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin. Pakiramdam ko nabobo na ko ng tuluyan.

"Break up with him but don't tell him you caught him cheating. You can't let him know that you're in pain because of him. Act like you no longer care about him" aniya bago tumayo at iwanan ako.

Sandali akong natulala at inisip ang mga sinabi nya. Paulit uli ko iyong inaalala until I finally get what he meant.

Kaya ko ba?

Kaya ko bang iwanan sya?

Iniisip ko palang parang mas nadudurog na ang puso ko.

Oo, nasaktan ako pero di ko pa kayang pakawalan sya eh. Damn, ang tanga mo, Daphne.

Pero guro panahon na, na sarili ko naman ang piliin ko. Awang awa na ko sa sarili ko. Matagal nya na kong ginagago pero hinayaan ko. Ngayong nakita ko na mismo ang panggagago nya, I need to finally end my stupidity.

"Daphne"

Napatingala ako nang marinig ko ang boses nya. Kumuyom ang kamao ko at itinago iyon mula sakanya.

"C-calvin" ani ko at pilit na ngumiti. Kumunot ang noo nya nang mapansin ang namamaga kong mata. Umupo sya sa harap ko at hinawakan ang mukha ko. I can't help but flinched because of disgust. I saw how he touched the slut. Tumayo ako at nilayuan sya. I sighed to hide the anger and pain.

One Last FallNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ