Chapter 38-Daddy

564 13 0
                                    

Mabilis kong ibinalik sa bulsa ko ang phone ko at sumakay ng elevator pababa. Tumakbo ako palabas ng lobby at nag-abang ng taxi.
Nakakuyom ang kamao ko habang nakatitig sa dinadaanan.

Bakit ngayon pa sya bumalik? Bakit ngayong masaya na kami kahit wala sya? Tangina naman guguluhin nya na naman ang buhay bamin ni Mommy?

Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa bahay namin. Hindi ko alam kung gaano na ko katagal dito sa labas ng bahay. Hindi ako makapagdesisyon kung papasok ba ako o hindi.

"Damn, hindi dapat ikaw ang kinakabahan" kinuyom ko ang kamao ko at pumasok.

Pagbukas ko palang ng pinto ay nakita ko na syang nakaupo sa sofa. Tiningnan ko sya ng mabuti. May kulubot na sa noo nya at may puti na ring buhok. Mas payat rin sya kumpara dati. Tumayo sya at nagtangkang lapitan ako. Nilagpasan ko sya at hinanap si Mommy na nasa kusina, maga ang mata.

Ano na naman bang ginawa nya? Sinaktan nya na naman ba si Mommy?

"What is he doing here Mom?"

"A-anak nandito sya para humingi ng tawad"

I gritted my teeth at hinampas ang kitchen counter.

"Fuck his apology. We don't need it Mom! His apology is long overdue" Umiwas sya ng tingin. "Don't tell me bumigay ka na sakanya?" Kinuyom ko ang kamao ko.

"A-anak" hinarap ko ang lalaking matagal na naming kinalimutan.

"How dare you call me your daughter?" Matalim ko syang tiningnan. "You are not my father! A real father won't leave his family!"

"Anak. Magpapaliwanag ako" he tried to hold my hand pero lumayo ako.

"Don't touch me" I gritted my teeth. 8 years! Sa loob ng 8 years ngayon mo lang gustong magpaliwanag?" Tinuro ko ang pintuan palabas ng bahay.

"Leave! I don't want to see your face anymore! And please stay away from us! We don't need you"

Hinawakan ni Mommy ang braso ko. "Anak wag mo namang itaboy ang Daddy mo"

Tumawa ako at matalim na tiningnan ang sinasabi nyang 'Daddy' ko

"Wala na kong Daddy" humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Ayoko ng makita kita dito. Leave immediately" hinila ko ang braso ko mula kay Mommy at padabog na umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ko.

Nilock ko ang pinto at umupo sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Diego.

Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin habang hinihintay na sagutin ni Diego ang tawag ko.

Hindi sya sumagot kaya tinawagan ko ulit sya. Tinapon ko ang phone ko sa kama nang hindi nya ito sagutin. He's probably with Denise. Fuck. I'm alone now. He's no longer beside me.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Hinawi ko ang kurtina.

Nakita kong papalabas na ng bahay si Mommy at si Daddy.

"Patawarin mo si Daphne sa naging akto nya"

"Hindi ko naman sya masisisi" ngumiti sya at lumingon sa bintana ko kaya mabilis kong sinarado ang kurtina.

Umupo ako sa kama at tinakpan ang mukha ko. I don't understand why he still came back. We were doing good all these years he's gone. He doesn't have to come back, we don't need him.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata ko pero hindi ako makatulog.

Hindi mawala-wala sa isipan ko ang itsura nya kanina. Bakit nagkaganon sya?

One Last FallWhere stories live. Discover now