Chapter 31-Family

397 12 1
                                    

Nagpunta sila sa hospital kasama sila Tita Gina. Kami lang nila Ate Shaine ang naiwan dito at si Kuya Jairus, yung mga bata nasa kwarto na lahat. Sila Lolo Gene at Lola Carmine naman ay nasa kwarto kasama ang private nurses nila. Hindi sila pinasama dahil baka mapano sila. They have weak heart pa naman.

Pagkatapos kumain ng mga bisita, we told them na something happened kaya no choice sila kung hindi umuwi na. Nagapologize na rin kami on behalf of Janine and her family.

"Uuwi na muna ako. Puntahan mo si Diego, he needs you" tumango ako at humalik sa pisngi ni Mommy.

"Take care Mom, please" napaparanoid na rin ako sa mga nangyayari. Sunod sunod ang mga hindi magagandang nangyayari sa buhay namin.

"I will, ikaw din" ngumiti sya bago maglakad palayo. Sumabay ako kila Ate Shaine dahil pupunta na rin sila ng hospital. Nagpaiwan lang talaga sila pansamantala para kausapin ang mga bisita.

"Okay lang kaya sila Tita?" Rinig kong tanong ni Ate Shaine kay Kuya Jairus.

"I hope so" sagot ni Kuya Jairus. Nakatitig naman ako sa labas. I silently prayed na sana maging okay lang sila.

"Okay ka lang ba dyan?" Nginitian ko si Ate Shaine at tumango kahit na kinakabahan.

"Yes" sagot ko.

Pagdating sa hospital ay dumiretso kami sa ICU. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko habang pinapanood silang nagiiyakan. Doon ako mas lalong kinabahan. Hinanap ko si Diego pero wala sya. Mas lalo akong kinabahan.

Shit. Nasaan si Diego? What happened?

Nilapitan ko si Janine, yakap yakap sya ni Tita Yuri.

"What happened, Tita? Kumusta po sila Tita?" Tanong ko. Abot langit ang kaba ko. Natatakot ako sa malalaman ko.

Umiling si Tita habang umiiyak. "The doctor declared their deaths" yumakap ako kay Janine. Magang maga na ang mata nya, iyak sya ng iyak, maski ako ay naiiyak na rin. Napamahal na rin sila Tita sakin.  They treated me as their own family. They're kind and sweet to me.

"I-it's my fault" ani ni Janine sa pagitan ng mga hikbi nya.

"No, Janine it's not your fault" si Tita Yuri.

Nalaman ko na hindi pala simpleng aksidente ang nangyari. Mabilis daw magmaneho si Tito, nagmamadali siguro sila na makahabol sa party ni Janine, hindi nila napansin ang truck sa kabilang road kaya nagdire-diretso ang truck sa car nila hanggang sa bumangga pareho sa puno.

"A-ate pakihanap si K-kuya" hinawakan ni Janine ang kamay ko "Please Ate" yumuko sya at niyakap ko naman sya ng mas mahigpit.

"I will" tumayo ako. "Stay strong" nilapitan ako ni Tita Yuri.

"Nasa baba ang driver namin, he'll drive for you. Gabi na, mag-ingat ka and call us when you find him"

"Okay po" I can't even smile dahil sa nangyari.

Pagbaba ko sa lobby ay sinalubong ako ng driver nila Tita Yuri.

"Sa bahay po muna nila Diego" wika ko, nagbabakasakali na doon ko sya makita because honestly, hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Sinubukan kong tawagan sya pero hindi nya sinasagot. Kaya tinext ko nalang sya

Where are you? Please answer my call.

Diego, please?

Pagdating sa bahay ay ganoon parin, hindi parin naaayos.

"Si Diego po?" Tanong ko kay Manang

"Wala sya rito Hija. Ano bang nangyari? Kumusta sila Carol?" Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. Paniguradong masasaktan sya pero ganoon parin naman, masasaktan parin sya dahil malalaman at malalaman nya.

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon