Chapter 32-Eulogy

446 15 0
                                    

Pangalawang gabi na ng wake nila Tita at Tito, nagpunta na sila Mommy with our friends pero kami ni Diego ay hindi pa. Kahit anong pilit ko ayaw nya parin. Hindi ko naman sya maiwan dahil baka ano pang gawin nya.

"Anak sana makumbinsi mo na si Diego, last night nalang mamaya ng parents nya" nasa kusina kami ngayon ni Mommy at naliligo si Diego.

"Susubukan ko po" hindi ko rin naman sya hahayaan na hindi makita ang parents nya.

Inayos ko ang mga gamit ko habang hinihintay sya.

"Anak tungkol sa Daddy mo" nilingon ko sya.

"What about him?" Sinadya kong patigasin ang boses ko.

"I can't contact him" bumuntong hininga ako at tumalikod to hide the pain in my eyes.

"Hayaan nyo na po sya, mukhang enjoy na enjoy sa babae nya" nagtungo ako sa living room at doon naghintay. Nang matapos si Diego ay nagpaalam na kami kay Mommy. Pupunta rin sya mamaya sa wake nila Tita. Pagsakay sa car nya ay nilingon ko sya. Malamig ang tingin nya, ganoon parin parang walang buhay. Ilang araw na syang ganyan at hanggang ngayon naninibago parin ako sakanya. He's not the Diego I know. He's barely living.

"Ah... Diego wala ka bang balak-" I tried to talk to him about his parents' wake but he wouldn't let me.

"We're here" mabilis syang bumaba palabas ng sasakyan kaya napabuntong hininga nalang ako. Bumaba na rin ako at sumunod sakanya. Nasa likuran nya lang ako, nakasunod sakanya.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan at umupo.

"Diego" hinarap ko sya pero tulala lang sya na parang hindi ako naririnig. Alam kong alam nya na, na last night na mamaya ng funeral ng parents nya. At alam ko rin na alam nya ang gusto kong mangyari.

"Diego" tinapik ko sya at doon ko lang nakuha ang atensyon nya

"Pupunta tayo sa funeral ng parents mo mamaya" kumunot ang noo nya

"Why do you keep on saying that my parents are dead? Fuck!" Hinampas nya ang arm rest nya bago tumayo. Tumahimik ang mga kaklase namin dahil sa biglaan nyang pagsigaw. Kinuyom ko ang kamao ko at sinundan sya. Paglabas ay hinablot ko ang kamay nya papunta sa gilid ng room namin. Binitawan ko ang kamay nya at tumingala para salubungin ang malamig nyang mata.

"Pwede ba? Stop being like that! Ililibing na sila bukas tapos ano? Wala kang balak puntahan sila? Walangya naman Diego. Bakit hindi mo nalang tanggapin? Nandito parin naman kami eh! Hindi lang ikaw ang nahihirapan, Diego. Si Janine, mas mahirap sakanya to. Kapatid mo sya pero ano? Iniwan mo rin! Iniisip nya na sinisisi mo sya kaya hindi mo sya mapuntahan. Maawa ka naman kay Janine, nawalan na sya ng parents mawawalan pa ba sya ng Kuya? She's still young, Diego. She needs you... please live. Live for her. Kahit para sakanya lang" hinawakan ko ang kamay nya habang umiwas naman sya ng tingin. "Janine is hurting pero she keeps on fighting, ikaw na Kuya nya hindi mo ba yun magawa para sakanya?" Tinalikuran ko sya at bumalik sa loob. Hindi ko naman pwedeng itolerate nalang ang ginagawa nya. He needs to see his parents bago man lang sila ilibing.

Sinundan ko ng tingin si Diego nang pumasok sya at kuhanin ang bag nya bago lumabas. Nilingon ko ang mga kaklase naming nakatingin sakin ngayon, bumuntong ako at pumikit ng mariin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sakanya.But I have decided, hahayaan ko muna syang mapag-isa para makapag-isip. Maybe he needs this. He needs to be alone.

Halos buong araw ay wala akong ginawa kungdi isipin kung okay lang ba sya. I am so worried of him. May training kami pero nagpaalam ako kay Coach Rade, pumayag naman sya kaagad.

"Ingat ka ah? Ayaw mo ba talagang magpasama?" Umiling ako kay Brian.

"Magpasama ka na sakanya delikado magtaxi" ani ni Ari pero umiling lang ulit ako

One Last FallWhere stories live. Discover now