Chapter 46-Trip

581 14 0
                                    

"Mag-iingat kayo doon ah" ngumiti ako at tumango.

"Of course, Mom. Kayo rin po dito" yumakap ako sakanya at pagtakapos ay nilingon si Daddy.

"Take care of yourself and don't forget to drink your medicines" Ngumiti sya at niyakap ako. 

"I will. Don't forget to call us" bumaling sya kay Diego. "Take care of my daughter"

"I will" sagot ni Diego. Bumaling naman ako ngayon kay Raize at bahagyang yumuko.

"Raize, make Dad and Mom happy okay? Don't be stubborn"

"Yes, Ate Daphne" humalik ako sa noo nya at mahigpit syang niyakap.

"Si Snow Ate Riza ikaw ng bahala" wika ko

"Oo naman. Magiingat ka doon, hanapan mo ko ng boyfriend doon ah?" Tumawa ako at tumango.

"Ilan bang boyfriends gusto mo?" Umiling sya at tumawa.

"Baka malate kayo sa flight nyo. Traffic pa naman" ani ni Mommy

"Mauna na po kami. I'll call you pagdating po namin sa hotel"

"Ingat..."

Pinagbuksan ako ng pinto ni Diego.  Lumingon muna ako kila Mommy at kumaway bago pumasok.

Pinanood kong kausapin ni Daddy si Diego bago sya pumasok.

"Anong sabi ni Daddy?" Tanong ko pagsakay nya sa driver's seat.

"Nothing" ngumiti sya at pinaandar na ang sasakyan.

"Did you bring a lot of winter clothes?"

"Sakto lang, I'll just shop clothes in Korea"

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng suot kong hoodie at kumuha ng picture namin ni Diego habang nagdadrive sya. I posted it on my IG story. Pinagmasdan ko ang picture namin at napanguso.

He looks so handsome while he's driving with one hand. His eyes are serious but there's a small smirk on his lips.

"Ang gwapo mo pala talaga no?" Nilingon ko sya. Ngumisi sya at kinagat ang ibabang labi.

"Ngayon mo lang ba nalaman?" Umiling sya.

"Lalaki na nyan ulo mo eh" kinonekta ko ang phone ko sa car ni Diego. Pinatugtog ko ang mga paborito kong kanta.

"Traffic" wika ko at napasimangot. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil.

"We still have an hour before our flight so don't worry" aniya

It's been what? Three weeks since my Dad undergone bypass surgery and thanks God, the surgery was successful. Unti-unti ay nakakarecover na sya from the surgery.

"Paano ang car mo?" Tanong ko habang pinapanood syang ibaba ang mga suitcases namin. Nasa airport na rin kami sa wakas pagkatapos ng mahaba at matagal na traffic.

"Janine will use the car"

"Nakauwi na si Janine?" Gulat na tanong ko. Bumalik kasi kaagad noon si Janine sa Australia dahil graduating na sya at last week, she finally graduated.

"Yes, today is also her flight. I think she's already waiting inside"

Lumawak naman ang ngiti ko dahil matagal ko ng hindi nakikita si Janine. Miss na miss ko na rin sya.

Bitbit ang luggage ko ay pumasok kami sa loob ng airport.

"There she is" wika ko nang makita syang nakaupo mula sa malayo.
Linapitan namin sya habang abala sya sa pagkahalungkat ng gamit nya.

One Last FallOnde histórias criam vida. Descubra agora