Chapter 41-Reeze

569 13 0
                                    

"So what happened?" Tanong ni Mia, nakauwi na pala sila ni Miko galing sa honeymoon nila. Ni hindi man lang ako tinawagan.

"Mabuti at umamin na sayo si Diego?" Ngumisi si Ari. Nasa kwarto kami. Of course ano ba laging ginagawa ng mga girls? Magkwentuhan.

Nakapalibot sila sakin. Wala ngayon si Ayerin dahil may work sya tapos si Rachel naman ay nasa Pangasinan kasama si Keith.

"Nag-away kasi kami" ngumuso ako. "Well hindi naman talaga away, nag-iiwasan. Then nagusap kami. Inayos namin problema namin until he told me things" ngumiti ako at kinagat ng labi ko. "He told me he loves me"

Nagsitilian sila at pinaghahampas ako.

"Aray ko! Ang sakit ah!" Reklamo ko.

"I'm so happy for you!" Ani ni Mia at niyakap nila akong tatlo.

"Buti nalang at hindi na torpe si Diego" ani ni Sab

Hinampas ko naman si Mia dahil sya ang pinakamalapit sakin.

"Alam nyo pala ang feelings ni Diego sakin bakit hindi nyo sinasabi?" Inis na tanong ko

"Mas maganda na ikaw ang makaalam. At tsaka ayaw naming pangunahan si Diego" ani ni Ari

"Bakit kasi ang manhid mo?" Sinabunutan ako ni Sab pero pabiro lang. "Ako nga noon palang college tayo napapansin ko na eh!"

Ngumuso ako. "Alam nyo naman ako noon. Wala sa isip ko ang mga ganyan dahil sa nangyari"

"Yeah. Calvin" umiling si Sab.

"Tama na nga yan! Wag ng ibalik ang past" pumalakpak si Mia. "Magbar tayo mamaya! Let's celebrate!" Pinanliitan nya ko ng mata "Walang hindi pwede"

"Oo na. Magpapaalam ako. Pero ichecheck ko sandali mga patients ko"

Umiling iling sya. "Mga doctor talaga"

"Girls let's eat lunch" Nilingon namin si Diego na nakatayo sa may hamba ng pintuan.

"Baba agad ah" ngumisi si Mia bago sila tumakbo palabas ng kwarto ko. Mga gaga talaga.

Nilapitan ko naman si Diego. He spread his arms at malapad ang ngiti nya tulad ko. Humakbang ako palapit sakanya at niyakap sya. 

"Bakit hindi mo sinabi agad?" tanong ko 

"Ang alin?"

"Na mahal mo ko?"

"I got scared. I might lose our friendship... I might lose you" tinulak nya ko ng bahagya at hinawi ang buhok ko. "Don't worry we'll make the best memories now that you're my girlfriend" 

"Walang masasayang na oras" inulit nya ang sinabi ko bago ako hilain palabas ng kwarto.

"Maglunch na tayo bago pa ko may gawin sayo" hinampas ko sya at humagalpak naman sya ng tawa.

"What?" tanong nya

"Ang manyak mo" kinagat ko ang labi ko pero hindi ko rin napigilan ngumiti.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Mas lalong hindi kita matitiis. Ngayon pa ba na akin ka na?" Tumawa ako at hinampas ulit sya.

"Kadiri ka! Ang corny"

"Isang hampas pa hahalikan na kita" ngumuso ako at tumawa.

"What are you waiting for?" ngumisi sya.

"Tara na nga. Maglunch na tayo" binilisan ko ang pagbaba ko ng hagdan.

"Hampasin mo muna ako" hinabol nya ko at hnawakan ang kamay ko.

One Last FallWhere stories live. Discover now