Chapter 36-Time

452 14 0
                                    

After the wedding and picture-taking, we headed to the reception. Kami ni Mia ang pumili sa foods. Well, when it comes to foods, ako daw talaga dapat. I don't know if it is a good thing or a bad thing.

"Still good?" Tanong ni Diego. Nasa passenger seat si Mommy, tulog.

"Yup. Kaya pa namang manggulo mamaya" tumawa ako at ngumisi

"Napuyat ba si Tita?"

Bumuntong hininga ako "Baka hanggang ngayon apektado parin sya sa nangyari before"

"Still have no news about your Dad?"

"He is no longer my Dad"

"You're lucky you still have your Dad" I know what he means. He is not lucky because his dad is dead.

"Buhay nga sya, nasaan naman sya? Nasa babae nya" wika ko at hindi na nagsalita pa.

Pagdating sa reception hall ay marami na kaming nadatnang tao, malamang dito na dumiretso ang mga bisita na hindi naka-attend sa mismong wedding.

Pinaupo kami sa assigned table namin. Magkakasama kaming magkakaibigan at sa kabilang table naman ang mga parents namin.

"Akalain mong nagkatuluyan sila" ani ni Brian na nakaakbay kay Sab ngayon at nakahilig naman sakanya si Sab, natutulog.

"Lagi silang nag-aaway dati, akalain mong sila pa ang magkakatuluyan" ani ni Keith at ngumisi.

"Akala ko nga noon hindi na sasagutin ni Mia si Miko" ani ni Justine at humagalpak ng tawa.

"Akala ko rin hindi seryoso si Miko eh" tumawa si Ari

"Let's move on from all those 'Akala's' what important is they are now happily married" sabat ko

"Eh kayo kailan?" Ngising tanong ni Keith.

"We're not a couple. Stop pairing us" suway ko

"Dense" bulong ni Ari at umiling iling, pero hindi ko nakuha ang sinabi nya.

"What?" Tanong ko

"Nothing" ngumisi sila Rachel, malamang narinig nila ang sinabi ni Ari.

Nagstart ang program pagdating ni Mia at Miko. Nagsitayuan kaming lahat for their grand entrance. Nagsigawan kami nang dumaan sila sa table namin. Tawa lang kami ng tawa dahil loko loko si Miko. Pagakyat nila sa stage ay nagsiupuan na kami.
The program began by Cocktail hour. Pinatunog namin ang mga wineglasses namin bago itaas for a toast.

"For the newlyweds!" Wika ng host. Nagsipalakpakan kami pagkainom namin ng wine. Sumayaw muna sa gitna si Mia at Miko habang pinapanood namin sila. Nagtatawanan silang dalawa na halatang may pinaguusapan. Niyakap ko ang sarili sa lamig. Nakatapat kasi sa table namin ang aircon.

"Are you cold?" Bulong ni Diego at nilagay ang kamay sa hubad na likuran ko. That move sent a million shivers to my body. Fuck.

"M-medyo"

"Why wear this dress in the first place?" Umiling sya at hinubad ang coat nya.

"Next time maglongsleeves ka" kumunot ang noo ko at tinawanan sya

"Are you freakin serious? Long sleeves? Magmukha pa kong ninang, no way"

"At least hindi ka lalamigin" pinatong nya ang coat nya sakin at inakbayan ako.

"Magmumukha naman akong matanda"

"You're beautiful whatever you wear" hindi na ko nakapagsalita dahil doon. Who would, right?

Tumingin ako kay Justine nang tumikhim sya. Hindi lang pala sya ang nakatingin samin, halos lahat sila na nasa table namin.

"What?" Taas kilay kong tanong

One Last FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora