Chapter 37-Feelings

497 16 2
                                    

After that night, Diego became distant. We still go out together but the bond we used to have seemed to disappeared. Kapag magkasama kami, tahimik lang sya at seryoso. Hindi ko alam bakit sya nagkaganon. Wala naman akong ginawang masama.

"I don't know his problem" nilingon ko si Kyle at sumimangot. Siya lagi ang kasama ko tuwing hindi ko kasama si Diego. Naka-close ko sya dahil masaya naman pala syang kasama.

"Why don't you talk to him?" Inabot nya sakin ang box ng doughnuts at kumuha ako ng isa.

"Nag-usap na kami a week ago sabi nya naman okay kami" bumuntong hininga ako at kinagatan yung doughnut.

Tumawa sya at nilingon si Reeze na mahimbing na natutulog

"Naniwala ka naman doon?" Hindi ako nagsalita "You're his bestfriend, you should know the truths and the lies in his words"

"Hindi ko na alam eh. Para kasing may nagbago"

Lumingon ako sa pinto nang marinig ang announcement at pinapatawag kaming mga Cardiothoracic surgeons.

"I have to go now. May emergency" paalam ko bago tumakbo at nagtungong ER dahil doon kami pinapapunta. Punong-puno ng mga estudyante ang ER ng madatnan.

"Dr. Herrera! Cardiac Arrest!" Mabilis kong nilapitan yung nurse at sumunod sakanya. Lumapit ako doon sa batang babae at tiningnan ang monitor. Her heart stopped breathing. Umakyat ako sa hospital bed at nagsimulang mag-CPR. Nakailang sets na ko pero hindi parin bumabalik ang heartbeat nya. Pawis na pawis na rin ako.

I looked at her parents beside the bed, crying.

"Defibrillator" utos ko sa nurse.

"80 joles" ani ko, inikot nya ang button and handed me the paddles.

"Clear" wika ko at dinikit ang paddles sa chest ng pasyente. Her body moved because of that. Tiningnan ko ang monitor pero hindi parin bumabalik ang tibok ng puso nya.

"100 joles" tumango ang nurse at inikot ang button. I shocked her chest again at nakabuntong hininga nang tumibok na ulit ang puso nya. Bumaba ako mula sa hospital bed and nagpainject sa nurse ng epinephrine sa pasyente.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa Nurse

"Nagkasunog po sa school nila"

Tinulungan ko ang mga ER doctors dahil masyadong maraming pasyente.

"How is he?" Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses ni Diego and found him together with Denise.

"Okay na sya, naagapan naman ng ambu bag" sagot ni Denise at ngumiti. Nilingon sya ni Diego at mas lalong lumapad ang ngiti nya.

I held my chest when I felt a pain in there. Nilingon ako ni Diego kaya mabilis akong tumalikod para lapitan ang ibang pasyente.

Tiningnan ko ang batang lalaking sugatan at umiiyak. I checked his chest using stethoscope pero wala namang extra sounds.

"You're fine kiddo, stop crying" ngumiti ako at nilingon sila Diego. Nakasunod sakanya si Denise while he's checking on the other patients.

Kumunot ang noo ko. Kailangan bang sundan nya ng sundan si Diego?

Ala-una na ng madaling araw nang matapos kami sa mga pasyente namin, hindi parin kami pwedeng umuwi dahil may mga pasyenteng kailangan naming bantayan.

"Daphne!" Binalingan ko si Andrew nang biglaan nalang syang pumasok sa office ko.

"Yes?"

"Kailangan ka! One of the students have CHD, lumala lalo ang lagay nya dahil sa usok na nalanghap. Kailangan ng heart transplant"

One Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon