Chapter 43-Forgive

613 15 0
                                    

"Let's go" tinaas ko ang kamay ko at nagpahila sakanya. Bumalik kami sa car nya para maihatid nya na ko.

Tanging radyo lang ang nagiingay sa loob ng kotse. Tahimik pero hindi awkward. Binaling ko ang tingin sa labas kung saan puno na ng mga parol at Christmas lights.

"I didn't even notice na magpapasko na" wika ko at ngumuso.

"It's because your mind is clouded with your problems" nilingon ko sya at bumuntong hininga.

"Really?" Bulong ko. Sandali nya kong binalingan at hinawakan ang kamay ko.

"Yes. Do you wanna go somewhere?"

"Ha?" Kunot noong tanong ko "Gabi na! Magpahinga na muna tayo" ngumisi sya at tumawa.

"That's not what I mean. I'm asking you if you want to go somewhere? Out of town? Out of the Country?"

Napangiwi ako. "Are you serious?" Hindi makapaniwala kong tanong

"I am. Think about it because this is for you. You've been through a lot you deserve to relax"

"Hindi lang naman ako, ikaw rin" kinagat ko ang labi ko at binalik ang tingin sa daanan.

Dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng ice cream and chocolates.

"Huwag mong uubusin lahat agad. I bought you these para marelax ka hindi para magkadiabetes ka, okay?" Ngumiti ako at tumango. Bago ako pumasok sa car ay humalik muna ako sa pisngi nya.

"Thank you!" Ngumiti ako at sinarado ang pintuan.

Pagsakay nya ay hinarap nya ko.

"Gusto mo pa ba ng chocolates?" Ngumisi sya at tinuro ang lips nya. "Tapos dito naman"

Napahagalpak ako ng tawa at mas natawa nang kumindat sya.

"Mukha kang manyak! Kadiri ka!" Kinurtmot ko sya ."Magdrive ka na nga. Ihatid mo na ko"

"Okay" pinaandar nya na ang makina "Be ready for tomorrow may pupuntahan tayo"

"Ha? May duty na ko bukas diba?"

"Yeah. Don't worry umaga naman tayo aalis and probably we'll arrive before our duty"

"Saan ba tayo pupunta?"

"I won't tell you" sumimangot ako at bumuntong hininga.

Hinatid nya ko hanggang sa gate namin.

"Nakapag-isip na ko about the trip" mula sa pagkakayuko ay tiningnan nya ko.

"And?"

"Payag na ko. I think kailangan ko ngang magpahinga at makapagmove on sa lahat ng nangyari" humakbang sya palapit sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"I'm glad you agreed. Don't worry I'll help you get over the pain"

"Thank you" tumingkayad ako at pinikit ang mata ko. Inilapat ko ang labi ko sa labi nya pero dampi lang at hindi nagtagal.

"Good night" ngumiti ako bago sya talikuran at buksan ang gate. Hindi pa ko nakakapasok nang hilain nya ko pabalik.

"You forgot something" kumunot ang noo ko at chineck ang bag ko.

"Anong nakalimutan ko?" Tanong ko habang hinahanap kung meron nga ba talaga akong nakalimutan.

Tinaas nya ang baba ko kaya napatingala ako.

Humilig sya palapit sa mukha ko. Pinikit ko ang mata ko habang ang kamay ko ay mahigpit ang kapit sa strap ng bag ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

One Last FallWhere stories live. Discover now