Chapter 5-Start

639 18 0
                                    

Kinabukasan kahit na ayaw bumangon ay wala naman akong choice dahil may pasok ako. Kulang ang tulog ko dahil late na kami nakauwi kagabi.

Palabas na ko ng unit ko nang magring ang phone ko.

Bakit nakasave ang number ni Diego? Oh yeah, nung dinilete nya pictures namin ni Calvin malamang nilagay nya ang sariling number.

"Hello" bati ko habang nilalock ang pinto.

"Daanan na kita ah. I brought my car"

"Okay. Pababa na ko" ani ko at pinutol ang linya.

Mukhang makakatipid ako sa pamasahe today. Paglabas ko sa tower ay nadatnan ko syang nakasandal sa car nya.

"Buti naisipan mong daanan ako?" Tanong ko habang papalapit sakanya

"Your condo is on my way so might as well isabay ka nalang" aniya at nagkibit balikat.

Pumasok na ko sa passenger's seat habang sya naman ay sa driver's seat. I put on my seatbelts at tinago ang phone ko sa bag ko na nasa lap ko ngayon.

"Dalhin mo nalang lagi car mo tapos daanan mo ko para libre pamasahe" ngumisi ako sa ideyang pumasok sa isip. Imagine hindi lang ako sa pagkain nakakatipid maging sa pamasahe.

"As if I have a choice. Sinabi mo na eh" aniya at pinaandar na ang makina.

"Hindi ka pa nagbreakfast?" Tanong nya

"Yup" sagot ko

"Ayaw mo sa tamad pero ikaw mismo tamad" aniya kaya napanguso nalang ako

"Sa pagluluto lang ako tamad no" depensa ko. Nakakatamad naman kasi talagang magluto lalo na at mag-isa lang ako.

Huminto ang car nya sa isang restaurant, kumunot ang noo ko at nilingon sya.

"Oh? Kakain tayo?" Tanong ko

"Ikaw lang" aniya at bumaba na kaya naman tinanggal ko ang seatbelt ko at lumabas na rin.

"Bakit di nalang sa university?" Tanong ko pagkababa pero hinatak nya lang ako papasok. Tingnan mo tong lalaking to, parang walang naririnig. Ako naman ang kakan pero sya ang nagdedesisyon.

Pinaupo nya ako sa table na may dalawang upuan at sya ang umorder para sakin. Pinanood ko lang syang umorder habang sumusulyap rin sa labas.

"Here" aniya at nilapag sa table ang inorder nya.

"Thank you" ani ko at natuwa sa mga inorder nya.

Pancakes, egg sandwhich and hot coffee, saan ka pa diba? Sana araw-araw nyang dalhin car nya para libre lahat pati breakfast. Oh ghad, Daphne you're being a user friendly!

"Hindi ka talaga kakain?" Tanong ko sakanya

"I'm full" aniya at binuksan ang book nya sa Micro-para. Kumunot ang noo ko at ngumisi. Humilig ako sa table at nilapat ang likod ng kamay ko sa nood nya pagkatapos ay sa leeg.

"What are you doing?" Kunot noong tanong nya habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

"Nagbabasa ka?" Tanong ko

"Isn't obvious?" masungit na tanong nya.

Ngumiti ako at pumalakpak.

"Wow! I-I can't believe!" ang isang palad ko ay nakatakip sa bibig ko

"Shut up" aniya at umismid kaya mahina akong natawa.

"Buti?" Tanong ko at nagsimula ng kumain

"Ayaw mo sa tamad diba?" aniya kaya napangisi ako.

"Oh? Dahil sakin? Ikaw ah" ani ko habang nakangisi parin

One Last FallHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin