Chapter 4-Affected

705 23 0
                                    

Paggising ko ng umaga'y tulad lang ng dati. I did the usual morning routine except for eating breakfast dahil sa university ko na yun gagawin. Nagtaxi ako para maagang makarating sa University. Bumili ako ng pagkain sa cafeteria at sinaksak sa tenga ko ang earphones.

Tahimik akong kumakain, binabalewala ang mga titig nila.

Mula sa pagkakayuko, bumaling ako sa harap ko nang may umupo doon.

Tinanggal ko ang isang earphone ko nang makita na si Diego iyon.

"Dito ka ba talaga kumakain ng breakfast mo?" Tanong nya

"Yup. Katamad magluto eh" sagot ko

"Ginusto mong mag-isa eh"

"As if I have a choice" ani ko dahil halos mga relatives namin ay nasa ibang bansa. May iilan naman dito pero hindi ko sila ganoon kaclose para makitira. I'm not really a friendly person kahit sa mga kamag-anak.

"Where are your parents?" Tanong nya

"Greece" sagot ko

"Ayaw mo doon?" Tanong nya kaya tumango ako. Umuuwi naman sila dito eh. Twice a year ang uwi nila kaya ayos lang. It's not that lonely naman dahil nasanay na ko. Tumayo sya at sa pagbalik nya may dala syang milk in a small box.

"Inumin mo yan" aniya at nilagyan iyon ng straw.

"May kailangan ka no?" Tanong ko

"Pakopya ng assignment" aniya kaya napairap ako.

"Sabi na eh" ani ko at inabot sakanya ang bag ko. May pabili bili pa ng gatas gusto lang palang mangopya.

"Kunin mo nalang dyan yung binder ko" Sumimangot ako at kumain nalang ulit habang kinokopya nya yung assignment ko.

"Pano ka nyan gagraduate kung puro ka kopya?" Inis na tanong ko

"Tinatamad lang ako" katwiran naman nya.

"Whatever" sagot ko at inirapan sya.

Sabay na kaming pumasok sa Micro-para class tutal magkaklase naman kami doon.

"Kaantok" bulong ko at humikab.

Puro discussion kasi ngayon kaya nakakaantok. Imagine 2 hours of discussion? Boring!

I leaned my body against the armrest to sleep. Magbabasa nalang ako kauwi.

"Ms. Herrera!"

Automatic na napaayos ako ng upo nang tawagin ang apilido ko. Shit, minsan nalang ako matulog sa klase mapapagalitan pa!

"Yes Ma'am?" Tanong ko

"What is the difference between Pathogenicity and Virulence" She asked. Saglit akong tumulala para alalahanin ang definition ng dalawa. If I am not mistaken, we tackled those before pero pahapyaw lang.

"So?" She asked. Nagmamadali? Tsk.

I sighed bago sumagot.

"Pathogenecity is the ability of species of microorganism to produce disease in various hosts. On the other hand, virulence is the degree of pathogenicity against a specific species host in controlled conditions within a group or species of microorganisms"sagot ko, hindi na nagabalang tumayo pa. I'm not that sure with my answer though. It was during my first year in college when we tackled about it.

Our clinical instructor didn't ask me more and just told me not to sleep again. Hindi man nga ako nakatulog eh, sandali lang pumikit ang mata ko.

"Psst"

One Last FallOù les histoires vivent. Découvrez maintenant