Chapter 8-Warning

600 16 2
                                    

"Ikaw na naman?" Kunot noong tanong ko pagbukas ko ng pinto.

"Missed me?" Tanong nya at pumasok na sa loob kahit hindi ko naman pinapapasok.

Sinarado ko yung pinto at nilapitan sya.

"Anong miss ka dyan? Nakakasawa na kaya mukha mo" ani ko at inirapan sya.

"Pakipot pa" aniya at umupo sa sofa

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at kumuha ng tubig para uminom. Kumuha rin ako ng tubig para sakanya at nilapag iyon sa coffee table.

"I'm bored" aniya

"So dito ka nagpunta? Bakit hindi kila Miko or sa iba mong kaibigan?" Tanong ko

"Nakakasawa na silang kasama"

I switched on the tv and sat beside him.

"So sakin di ka nagsasawa?" Tanong ko dahil halos lagi kaming magkasama. Sawang sawa na nga ako sa pagmumukha nya eh.

"Malapit na" sagot nya kaya hinampas ko na ng throw pillow.

Tumawa lang sya at umiwas.

"Umalis ka nalang kung mangiinis ka lang" ani ko at sinandal ang ulo ko sa wall.

"Ayoko" aniya at nilipat yung channel sa isang sports channel.

"Dapat sinama mo si Janine para sya nalang ang kausapin ko kesa sayo" ani ko

"She's not home. May lakad ata" aniya

"Oh sayang" ani ko at tumayo

"San ka pupunta?" Tanong nya

"Duh, maliligo. Sama ka?" Sarkastiko kong tanong at tinaasan pa sya ng isang kilay

"Why not?" Aniya at ngumisi bago sya tumayo. My eyes grew wider and because of panic, I ran towards my room.

"Gago!" Sigaw ko at padabog na sinarado na ang pinto. Narinig ko ang halakhak nya at mas lalong nainis.

Sinadya kong tagalan ang pagligo dahil naiinis ako sakanya. Bahala syang maghintay ng matagal doon sa sala. It took me an hour before I finished my bath ad when I got to the living room, he's sleeping.

Oh wow, this is so nice. Bakit hindi nalang kaya sya umuwi at sakanila matulog? Ginawa pang hotel ang unit ko.

Pinatay ko ang tv at nagluto nalang ng merienda.

Nagluto ako ng baked mac at fries.

"Wow" nilingon ko si Diego na nakatingin ngayon sa kakaluto lang na fries.

"Dalhin mo sa sala yung mga yan. Kukunin ko lang yung ice cream" utos ko na agad nya namang sinunod.

Kumuha ako ng dalawang baso, spoons at yung ice cream scoop.

Nilapag ko iyon kasama ng isang container ng cookies and cream na ice cream sa coffee table at kinuha yung laptop ko sa kwarto.

Pagbalik ko ay kumakain na sya kaya napailing nalang ako. Hindi man lang ako hinintay.

"Kain na" alok nya na parang ako ang bisita. I can't believe this guy! Saan nya ba naiwala ang hiya nya? I'll go bring it back to him. 

"Duh ako nagluto nyan malamang kakain ako" ani ko

"Wala naman akong sinasabi na hindi ikaw ang nagluto ah" aniya

"Damn it! I can't believe you!" Tinampal ko ang noo ko at matalim syang binalingan but of course, he just laughed at me! How did I end up being friends with this guy? He's annoying!

One Last FallWhere stories live. Discover now