Chapter 16-Grandparents

484 14 2
                                    

"Wow. This is not even a house. This one's a mansion" naibulong ko nalang habang papasok kami sa malaki at engrandeng gate ng mansion ng grandparents ni Diego. Akala ko ay simpleng bahay lang ang tutuluyan namin. Hindi ko alam na mansyon pala.

Malawak ang entrance papasok sa loob ng mansyon at may fountain sa gitna. Pantay rin ang bermuda grass at may iba't-iba silang bulaklak sa gilid ng pathway.

"Ganito kayo kayaman?" Manghang tanong ni Mia habang nagsisibabaan na kami.

Pagbaba namin ay napangiti kami sa dalawang may edad na nag-aabang samin sa hagdan. May nurse sa likuran nila na nakabantay sakanila. 

"Diego apo!" Tuwang tuwa ang Lola ni Diego na makita sya.

Lumapit sya sa matanda at niyakap bago halikan sa pisngi. Nagmano naman sya sa Lolo nya at niyakap ito.

"Sila na ba ang mga kaibigan mo?" Nilingon kami ng Lola ni Diego at nginitian.

"Yes, Grandma" aniya at isa isa kaming pinakilala "This is my beautiful Grandma Carmine and handsome Grandpa Gene" natawa kami sa pambobola ni Diego at binati ang mga grandparents nya.

"Natutuwa po kami na makilala kayo" wika ni Ari

"Ako rin. Halika kayo" wika ng lola ni Diego kaya isa-isa kaming lumapit sakanya at nagmano bago yakapin sya. Lumapit rin kami sa Lolo ni Diego at nagmano.

"Ang ganda nyo parin po kahit may edad na" wika ni Mia

"Mambobola ka rin pala Hija" ani ni Lola kaya nagtawanan kami.

"Dikit kasi ng dikit kay Miko" ani ni Justine at ngumisi pa

"O bakit nadamay ako?" Kunot noong tanong ni Miko pero nakangisi.

"Shut up Miko!" suway ni Ari dito. Napailing nalang ako dahil sa kakulitan nila.

"Tawagin nyo nalang akong Lola Carms at sya naman ay Lolo Gene" tumango kami at ngumiti

"Halika pasok kayo" alok samin ni Lolo Gene.

Nagtinginan muna kami bago sumunod sakanila. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng mansion. May dalawang grandstairs patungo sa ikalawang palapag. Malinis at maputi ang dingding maging ang sahig. Puro babasagin rin ang mga nakadisplay na vases.
Dumiretso kami sa malaking dining area kung saan maraming pagkain na nakahapag sa 12-seater long table.

"Gutom na ko" bulong ni Brian. Siniko ko naman ito at pero mukhang narinig sya ni Lolo Gene.

"Maupo kayo. Paniguradong nagutom kayo sa byahe" wika ni Lolo Gene at ngumiti ng maaliwalas.

"Sinabi nyo pa po" I whispered pero dahil sobrang tahimik, narinig pala nila. Nahihiya akong ngumiti. Shit, Daphne!

"Kaya nga maupo ka na Hija" kinagat ko ang labi ko at yumuko. Nakakahiya talaga!

"Patay gutom" tinaasan ko ng kilay si Diego at inirapan. Nasa pagitan sya ngayon ng kanyang lolo at lolo.

"Pinapakain tayo at ayoko naman tumanggi" depensa ko. Panira talaga sya kahit kailan.

"Umupo na kayo at wag na kayong mahiya" hindi na kami naginarte pa. Lumapit kami sa dining table at umupo. Nasa kanan ko Si Diego habang nasa kaliwa ko si Ari.

Ang mga maids na nasa gilid ay nagsilapit para salinan ng juice ang mga baso namin. I said my thank you to the maid and smiled at her.

"Fiesta pala pinuntahan natin" ani ni Miko at napadaing nang sikuhin sya ni Mia.

"Pinahanda talaga namin yan para sa inyo" wika ni Lola Carms habang tahimik lang si Lolo Gene.

"Thank you po. Hindi na po dapat kayo nag-abala" wika ko

One Last FallWhere stories live. Discover now