Chapter 40-Officially

673 15 0
                                    

"So..." kinagat ko ang labi ko at ngumiti. "Ano na tayo?" Magkatabi na kami ngayon sa sofa, nakasandal ako sa dibdib nya. "We're not bestfriends anymore right?" Tanong ko at tumingala para makita sya. Nadatnan ko syang nakatitig sakin.

Shit, kinikilig ako.

"Tayo na ba?" Tanong nya. Hinawakan ko ang kamay nya at ngumuso.

Pinagsalikop ko ang kamay namin at habang nakatitig doon ay nagwala na naman ang puso ko. Tingin ko ay naririnig nya rin kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon. "Why not? Patatagalin pa ba natin kung doon din ang punta natin?" Umayos ako ng upo para makita sya ng maayos.

Ngumiti sya at hinawi ang buhok ko. Humilig sya palapit sa mukha ko at ngumisi. "Kung pakasal na kaya tayo? Doon lang din punta natin bakit patatagalin pa natin?" Hinampas ko ang braso nya at pinanliitan sya ng mata.

"Galing mo rin dumiskarte no?" Humagalpak sya ng tawa kaya masama ko syang tiningnan kahit may ngisi sa labi.

"What? Ikaw nauna"

"Whatever" tinanggal ko na ang kamay ko mula sa kamay nya.

"Pupuntahan ko muna si Reeze" tumayo ako pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Reeze is Kyle's cousin right?"

"Yes?" Sagot ko dahil sa pagtataka. Bakit nya tinatanong?

"Sasamahan kita" tumayo sya.

"Wag na"

"Sasamahan kita" hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako palabas ng office nya.

"You know what? Hindi mo naman ako kailangang samahan eh"

"But I want to" ngumisi sya.

Nagseselos ba sya? Kaya ba galit sya kanina?

"Don't tell me you're jealous?" Tanong ko at this time ay ako na ang nakangisi.

"Sinabi ko lang na mahal kita kung ano-ano na iniisip mo?" Hinampas ko sya sya inis habang sya naman ay tawang tawa. Nang-aasar na naman!

"Sorry na" inirapan ko sya at kinagat ang labi ko para mapigilan ang pagngiti.

"Isasama na nga kita" nauna na kong naglakad habang sya naman ay sumunod at hinawakan ang kamay ko.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Galing mo rin no? Nakahawak na agad kamay mo"

"I like holding your hands" pinaglaruan nya iyon pagsakay namin ng elevator.

"Naglilinis ka ba? Bakit ang lambot?"

"Lotion duh" umiwas ako ng tingin to hide the arch on the side of my lips.

Pagdating sa room ni Reeze ay sinalubong nya ko ng yakap.

"Kuya Diego!" Niyakap nya rin si Diego.

"Mukhang ang saya nyo ah" nilingon ko si Kyle na prenteng nakaupo sa couch.

Nilapitan ko sya at hinampas. "You and your plans" ngumisi naman sya at inakbayan ako.

"Thank me and my brillant mind" mayabang nyang sabi.

"I thank you on behalf of her" hinila ako ni Diego mula kay Kyle.

"Easy dude hindi ko naman sya aagawin sayo" aniya na natatawa.

"I'm sorry but I don't trust you"

"Tumigil na nga kayo" tiningnan ko si Diego. "Friends lang kami kaya wag ka ng magselos"

"Alam mong dyan tayo nagsimula kaya paanong hindi ako magseselos?" Kunot noong tanong nya.

Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla sa sinabi nya. At kung makakapagsalita man ako, wala akong masasabi kasi tama sya.

One Last FallWhere stories live. Discover now