Chapter 42-Sunrise and Sunset

547 13 0
                                    

"Anak hanggang kailan ka ba hindi magta-trabaho? Kailangan ka ng ibang pasyente mo"

Nilingon ko sya at binaba ang baso. "Baka mapatay ko lang din po sila"

Bumuntong hininga sya at nilapitan ako. "Hindi ka mamamatay tao anak. Doctor ka pero hindi ka Diyos, hindi mo naman maliligtas lahat ng tao" pinisil nya ang kamay ko. "Aalis na ko" humalik ako sa pisngi nya at umupo.

Tulala ako habang iniisip ang sinabi nila. Kahit sabihin man nilang hindi ko pinatay si Reeze alam kong kasalanan ko parin kung bakit sya namatay. Hindi ako magaling na doctor. I don't deserve my license.

"Daphne, may bisita ka" tiningnan ko si Ate Riza at ang lalaki sa likuran nya.

"Mommy is not here" ani ko at naglakad na patungong hagdanan.

"Ikaw ang sadya ko anak" nilingon ko sya at malamig na tiningnan.

"I don't have a dad"

"Hayaan mo na kong magexplain anak"

"Just go away. Bumalik ka nalang sa babae mo"

"Daphne" nilingon namin si Diego. Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Good Morning po" bati nya kay Daddy

"Ikaw si Diego, hindi ba? Kayo na ba nitong anak ko?" Tiningnan ko sya. Nakangiti sya habang nakatingin samin ni Diego. Nang makita nyang nakatingin ako ay tumikhim sya.

"Opo" sagot ni Diego. Napailing nalang ako at umakyat sa kwarto ko.

Pagsarado ng pinto ay umupo ako sa kama ko. Binuksan ko ang drawer kung saan nakatago ang pictures namin kasama si Daddy.

I didn't throw our pictures with him. I can't.

Hindi ko maiwasang manghinayang. Bakit pa kasi iyon nangyari? Bakit pa kasi nasira ang pamilya namin? Bakit ba nagkakaganito ang buhay ko? Sobra sobra naman atang paghihira to.

"Until when will you treat him like he's not your father?" Mabilis kong tinakpan ng kumot ang album.

"Let's not talk about him" binaling ko ang tingin sa bintana "Umalis na ba sya?"

Umupo sya sa tabi ko at itinaas ang comforter kaya naman lumitaw ang album.

Tiningnan nya iyon bago ako balingan. "Namimiss mo na sya?"

Hindi ako sumagot at nanataling nakatingin sa bintana. Hinarap nya ang chin ko sakanya para magtama ang tingin namin.

"You're lucky your parents are alive. Mahirap ang walang parents and... everyone deserves a second chance"

"Second chance? Tapos uulitin nya lang ulit?" Kunot noong tanong ko

"It doesn't matter how many times a person commited a sin to you" pinagsalikop nya ang mga kamay namin. "Forgive, forgive and forgive until he gets tired of sinning. Because that's what people should do" ngumiti ako at yumuko.

"Hindi ko pa alam" bumuntong hininga ako at tumingala para makita sya. "I'm so blessed to have you" ngumiti sya at pinisil ang ilong ko.

"We're blessed to have each other. So ano date tayo?" Tumango ako at ngumiti.

"Maliligo muna ako"

"Samahan na kita?" Ngumisi sya kaya hinampas ko sya.

"Baliw" hinila nya ko at hinalikan.

"Kainis ka!" Hinampas ko ulit sya pero ganoon ulit ang ginawa nya, hinalikan nya lang ulit ako. Walangya ang galing nya rin dumiskarte.

"Are you still going to hit me?" Ngumisi sya. Inirapan ko sya at tumayo.

One Last FallWhere stories live. Discover now