Chapter 20-Summit

439 13 0
                                    

"What did you two talk about?" Hindi ko alam kung ilang beses nya na kong tinanong with the same question. Paulit ulit rin na 'secret' ang sagot ko. Nakukulitan na nga ako sa kanya at konti nalang ihuhulog ko na sya mula dito sa taas, ewan ko nalang kungdi pa sya tumahimik kapag ginawa ko 'yun... but of course I won't do that.

"Secret nga. Girl talk 'yun" ani ko habang hingal na hingal na. We're hiking in Mt. Iriga. Halos isang oras na rin kaming naglalakad pero nakatatlong break naman kami para magpahinga. May suot suot kaming gloves para hindi kami masugatan sa mga talahib. Nakaleggings ako, white tshirt at hiking shoes.

"I don't care just tell me"

"Shut up Diego" ani ko at pinunasan ang tumatagaktak kong pawis "5 minutes break Diego. Hindi ko na kaya" pakiusap ko at umupo habang nakasandal sa malaking puno.

"5 minutes break guys!" Sigaw ni Diego kaya nagsiupuan na rin sila Mia. Rinig ko rin ang mga reklamo nila. Mabuti nga at hindi mahigpit samin si Diego pagdating sa break eh.

Madaling araw nang magsimula kaming maghiking. May nadaanan kaming falls kanina at gustuhin man naming  maligo ay hindi pwede, sa pagbaba nalang daw namin sabi ni Diego but I highly doubt that, for sure mas gugustuhin namin na umuwi nalang dahil sa pagod.

Sumikat na kanina ang araw pero hindi parin kami nakakarating sa sinasabi ni Diego na kubo kung saan pwede kaming magpahinga.

"Ano nga-" di ko na pinatapos pa si Diego

"Isa pang tanong masasapak ka na sakin" banta ko sakanya at matalim syang tiningnan.

"Kung sinabi mo na edi sana hindi ka nakukulitan" aniya. Hindi na ko nagsalita pa at pinikit nalang ang mata ko.

"You want?" I opened my eyes and turned at him who is now holding a sandwich.

"Pakagat nalang may suot akong gloves ayokong tanggalin" tinatamad na sagot ko

"Ikaw bahala" aniya at nilapit sa bibig ko yung tinapay. Kumagat ako doon. "Thanks"

"Gusto mo pa?" Umiling ako at binalingan si Ari at Mia na kumukuha na naman ng pictures. Parang hindi sila napapagod hindi tulad ko na konti nalang ay hihiga na ko dito sa sobrang kapaguran.

"Ayoko na. Pwede na sakin 'yun" sagot ko. Pagkaubos nya sa kinakain nya ay niyaya nya na kaming maglakad ulit. Wala naman kaming choice, ideya ni Diego ang hiking at kahit magreklamo kami ay hindi nya naman kami papakinggan.

"Malayo pa ba tayo sa kubo?" Tanong ko

"Maybe 10 more minutes. Masakit na ba paa mo?" Tanong nya

"Oo pero kaya ko pa naman. Hindi ko lang alam na ganito pala ang hiking. Parang ayoko na tuloy umulit" napailing naman sya at mahinang tumawa.

"Kakainin mo rin mga sinabi mo when we reach the peak" aniya

"Sana nga para naman worth it pag-akyat natin dito" ngumuso ako at bumaling nalang sa dinadaanan.

"Wala bang ahas dito Diego?" Tanong ni Mia

"I don't know. Maybe?" Sagot ni Diego dahilan para mas matakot si Mia.

"Kapag talaga ako namatay dahil sa hiking na to mumultuhin kita!" banta ni Mia kaya nagtawanan kami kahit na pagod na pagod.

"Sige lang" sagot ni Diego at ngumisi pa

"Yes!" Bulalas ko nang makarating na kami sa kubo.

Kanya-kanya kaming upo at baba ng backpack namin. Kinuha ko ang bote ng tubig ko at uminom.

"Kain muna tayo" yaya ni Ari at inabutan kami isa-isa ng siopao. Nabili namin kahapon sa 7/11 pagkatapos naming mamasyal sa Naga. Today is our 5th day here in Camarines Sur. Marami na rin kaming pinasyalan. Noong nakaraang araw ay bumalik kami sa simbahan kasama ang buong grupo at naghike sa Our Lady of Peace Grotto na may 524 steps. Isa pang nakakapagod iyon! Hindi ko maintidihan kung bakit sa mga ganoon kami dinadala ni Diego. Ang sakit kaya ng paa ko pagkauwi namin noon.

One Last FallWhere stories live. Discover now